Marvin Agustin starts shooting for "Dagaw"


"Kailangan na maingat ako sa negosyo kasi ‘yan ang fallback ko kapagnagsawa na sa akin ang mga tao! 'Tsaka it's for mychildren's future. One day, sila ang hahawak ng negosyo at magpapahingana lang ako," says Marvin Agustin about being an entrepreneur.



Masayang ikinuwento ni Marvin Agustin sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na nagsimula na siyang mag-shooting para sa pelikulang Dagaw with Richard Gutierrez, sa ilalim ng direksiyon ni Chito Roño for GMA Films.



Excited nga raw makatrabaho ulit ni Marvin si Direk Chito dahil huli silang nagkasama sa pelikulang Dekada '70 (2002) ng Star Cinema with Vilma Santos and Christopher de Leon.



Kuwento ni Marvin, sa Camarines Sur pa ang location shoot nila ng Dagaw. Hindi lang natuloy ang shooting nila a week ago dahil bumagyo roon. Ngayon at tapos na ang taping niya para sa Mga Mata ni Anghelita, maibibigay na niya ang kanyang oras sa shooting ng pelikula.



Wala pa raw eksena si Marvin na kukunan kung saan makakasama niya si Richard Gutierrez. Inamin ni Marvin na medyo intimidated siya kay Richard dahil napakalaking artista nito sa GMA-7. Pero naisip ni Marvin na minsan ay naabot din niya ang stature ni Richard noong nasa bakuran pa siya ng ABS-CBN kaya he knows how it feels na maging matinee idol.



"Masasabi ko lang, been there, done that," nakangiting pahayag ni Marvin. "Dumaan na rin tayo sa pagiging matinee idol at nakakatuwang malaman na kahit sikat na sikat na si Richard, nakatapak pa rin siya sa lupa.



"Importante kasi yung marunong kang makisama sa lahat ng tao. Hindi umaakyat ang kasikatan sa ulo mo. 'Yan ang naoobserbahan ko kay Richard. Napaka-down-to-earth niyang tao," papuri pa ni Marvin kay Richard.



EXCLUSIVE CONTRACT. Ikinuwento rin ni Marvin ang pagpirma niya ng exclusive contract sa GMA Artist Center. Hindi nga raw niya ini-expect na aalukin siya ng kontrata ng Kapuso network.



"Pakiramdam ko na mahal na mahal ako ng GMA-7. Nakakatuwa lang isipin na galing ako sa ibang TV station at sinubukan ko ang suwerte ko rito. Ngayon, contract star na ako. Parang ang bilis. Last year lang naman yung I Luv NY, di ba? Kaya ang bilis pero masayang-masaya ako," pahayag ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ibinalita rin ni Marvin ang bagong soap drama na gagawin niya after Mga Mata ni Anghelita. Next month pa raw ito sisimulan dahil tatapusin niya muna ang shooting ng Dagaw. Gusto sana munang magbakasyon ni Marvin pero sayang daw ang sunud-sunod na trabaho.



Ayaw pang banggitin ni Marvin kung ano ang title at sino ang makakasama niya sa bagong show niya sa GMA-7. Pero may nakapagsabi sa PEP na malamang na ito raw ang show na pagbibidahan ni Sunshine Dizon.



ANGEL LOCSIN. May mga gusto pa ring makaalam mula kay Marvin kung totoong nakarelasyon niya si Angel Locsin bago ito lumipat from GMA-7 to ABS-CBN.



Ang sabi lang ni Marvin ay naging espesyal sa kanya noon si Angel, pero ngayon ay wala na raw silang komunikasyon. Nakiusap si Marvin na huwag na lang daw pag-usapan si Angel dahil wala naman sa bakuran ng GMA-7 ang young actress.



"Mahirap nang akusahan akong ginagamit ko siya," seryosong tugon ni Marvin. "Tapos na ‘yon, e. She's no longer here kaya let's leave her at that."



BUSINESSMAN. Mas gusto pa raw pag-usapan na lang ni Marvin ang kanyang pagiging successful na businessman. Tatlong restaurant ang pinamamahalaan ni Marvin: ang Café Ten Titas na located sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City; Oyster Boy restaurant sa Araneta Center, Cubao; at Sumo Sam Japanese restaurant na may branches sa Rockwell, Gateway, Shangri-La Mall, at Trinoma.



Nahilig daw sa pagtayo ng food business si Marvin dahil sa hilig din niya sa pagkain. Kaya naman tutok siya sa kinikita ng mga businesses niya kahit na superbusy siya sa kanyang showbiz career.



"Kailangan na maingat ako sa negosyo kasi ‘yan ang fallback ko kapag nagsawa na sa akin ang mga tao!" tawa niya. 'Tsaka it's for my children's future. One day, sila ang hahawak ng negosyo at magpapahinga na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"It's nice to know na may nakaplano ka nang magandang future para sa mga bata. Mabibilis lumaki ang kambal kong sila Santiago at Sebastian. Baka balang araw makita ko nang mga binata sila. At least, handa na ako para sa kinabukasan nila," huling pahayag ni Marvin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN