Sheryl Cruz's camp negotiating with ABS-CBN for a possible project


Actress Sheryl Cruz's manager, Dolor Guevarra, has met with some ABS-CBN executives to negotiate a possible project for Sheryl in the Kapamilya network. Meanwhile, Sheryl has another offer from GMA-7 after Mga Mata ni Anghelita, but the actress has not yet accepted it.



Patapos na ang Mga Mata ni Anghelita sa GMA-7 kung saan si Sheryl Cruz ang isa sa mga kontrabida. This is Sheryl's third primetime soap sa Kapuso network after her showbiz comeback.

Unang ipinasok si Sheryl sa Mulawin at sinundan ng Bakekang, sharing equal billing with Sunshine Dizon. Sa afternoon block, si Sheryl ang kinikilalang reyna with three hits, including two Now and Forever episodes, "Ganti" and "Tinig," at ang kauna-unahang Sine Novela ng GMA-7 na Sinasamba Kita, where she reprised Vilma Santos's movie role.

May isang bagong primetime soap na in-offer kay Sheryl na magsisimula agad pagkatapos ng Mga Mata ni Anghelita. Pero balitang hindi pa niya ito tinatanggap as of press time

Balita ring may offer ang ABS-CBN kay Sheryl to be part of Love Spell na hindi pa man nagsisimula ay mag-e-extend na raw agad for Sheryl's participation. Four weeks lang ang itinatagal ng kuwento sa Love Spell, pero kung tatanggapin ito ni Sheryl, malamang na i-extend agad.

Balitang nakipag-meeting na ang manager ni Sheryl na si Dolor Guevara yesterday, September 27, with the ABS-CBN big bosses sa EDSA Shangri-La. Naikuwento ni Dolor sa PEP ang naturang meeting nang magkita kami sa Imperial Palace Suites last Wednesday night, September 26.

Ms. Dolor's other talent, Eric Quizon, is scheduled to do a soap for ABS-CBN as an actor. Nagpahinga muna si Eric sa directing job niya sa GMA-7 after being at the helm of five straight soaps: Narito ang Puso Ko, Marinara, Darna, Majika, and Asian Treasures.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN