Uma Khouny to Bruce Quebral: "Huwag ka na maki-ride."


It seems like like the word war between Uma Khouny and Wendy Valdez is far from over. After Bruce entered the picture last week, Uma now considers him a "foe." The model-actor, however, is more than willing to talk things over with Uma.


Tila yata hindi na naman magpapaawat ang PinoyBig Brother Season 1 housemate na si Uma Khouny sa isyu niya sa PBBalumna na si Wendy Valdez.

Nasa loob pa lang ng Bahay ni Kuya si Wendy noon ay nagpahayag na si Uma ng hindi nito pagkagusto sa ugaling ipinapakita ng baguhang aktres. Matatandaang nagbitaw ng salita ang binata noon ng, "Wala siyang kuwentang tao."

Nasundan ito ng isa pang komento na hindi nagustuhan ng Margarita star. Sa isang artikulo dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) , walang kagatul-gatol na isinagot ni Uma ang "Wendy" nang tanungin ito ng press kung sino sa mga Season Housemates 2 ang "plastic." Hindi naman ito pinalampas ni Wendy at nagpahayag siya ng, "Sana huwag na lang maki-ride." At ngayon ay isa na nga itong kontrobersiya.

Nitong ika-23 ng Setyembre, live nanagsagutan via phone patch sina Uma at Wendy sa Entertainment Live. Sakanilang pag-uusap, bumanat na kaagad si Uma tungkol sa pag-iyak diumano niWendy. "Diyusko naman, Wendy, wala pa ko pero...hello, umiiyak ka na? And it'spaawa-iyak."

Nadagdagan pa ito nang nakapanayam siya sabinyag ng anak ni Nene Tamayo noong September 26. Aniya, " Aminin natin, pagumiyak ang artista sa TV, kukunin mo ang sympathy ng taong-bayan."

Lalo pang nagpanting ang tenga ni Uma nangmakarating sa kanya ang sinabi ni Wendy. Ayon daw sa baguhang aktres, "Well, thisis the first time na mabastos ako ng isang lalaki. Sana ma-realize mo na lalakika."

At ngayon, nagpapakita na rin ngsuporta ang rumored boyfriend ni Wendy na si Bruce Quebral. Nang tanungin siyaukol sa mga balitang susugurin nito si Uma at susuntukin pa raw kung magkitasila, "Di ko siya papatulan kahit sa physical, kahit siya ang mauna. Di ko siyapapatulan. I'll just sue him."

Pero hindi naman daw imposibleng magkaayos angdalawang dating housemates sa Bahay ni Kuya. Nang tanungin si Uma tungkol sakanilang pagbabati, "Why not? Wala naman siyang ginawa sa akin. Siguro naman,di siya plastic sa labas ng Bahay ni Kuya, who knows? If I didn't do anythingwrong, I won't say sorry."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero humirit pa si Uma kay Bruce. "Kay Bruce,kung gusto niya patahimikin ako, ang sasabihin ko lang, huwag ka na maki-ride."

Na sinagot naman ng varsityplayer-turned-model-and-actor sa Entertainment Live. Sabi ni Bruce, "Hindi naman akonakiki-ride. Nakita ko lang ang need na ipagtanggol si Wendy. Hindi ko nama-take ang mga pinagsasabi niya. Hindi ko na ma-take na makita si Wendy nanasasaktan."

Ano naman kaya ang mensahe ni Bruce para kay Uma? "Okaynaman kami ni Wendy na makipag-usap."

Mukhang aabangan na lang nating lahat kung magkakausapnga o maayos ang gusot na ito sa pagitan ng former PBB housemates.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN