Ai-Ai delas Alas laughs off intrigue that she has rift with Eugene Domingo


Comedy Queen Ai-Ai delas Alas (above) says Pokwang ang Eugene Domingo are "stars in their own right... Ako naman, may sarili naman akong puwesto kagaya nila, kaya hindi talaga ako nai-insecure."


Malapit nang ipalabas sa mga sinehan angpelikulang Apat Dapat, Dapat Apat nina Candy Pangilinan, Eugene Domingo,Pokwang, at Rufa Mae Quinto. Isa sa mga lead stars nito na si Eugene ay kasalukuyang iniintriga kasama si Ai-Ai delasAlas.

Si Eugene ang kadalasang co-star o sidekickni Ai-Ai sa kanyang mga pelikula, tulad ng box-office hit na Tanging Ina.At ngayon, mukhang sinusubukan ang kanilang pagiging magkaibigan.

Si Ai-Ai ang tinanong ng Entertainment Live tungkol dito. Totoo nga bang nai-insecure si Ai-Ai kay Eugene?

Sa isang presscon, ito lamang ang isinagot ngComedy Queen, "Hindi naman, ano ba iyang mga istorya ninyo?"

Nagsimulang umusok ang intriga nang tanungin siEugene kung sino kina Ai-Ai at Pokwang ang magaling magpatawa. Sinagot naman niEugene na kapwang magaling sina Pokwang at Ai-Ai.

Dagdag pa niya, "Kung gustoniyo kaming intrigahin ni Ai-Ai de las Alas ay hindi kayo magtatagumpay kasimahal niya ako. Susuportahan ko siya anytime that she needs me."

Sinusugan rin naman ni Pokwang ang sinabi niEugene nang sabihin nito na mataas ang respeto ni Eugene kay Ai-Ai.

Sa ngayon ay makikitang superfriends sinaEugene at Pokwang, lalo na't magkasama sila sa pelikula. Hiningan tuloy ng reaksiyon si Ai-Ai dito. "Okaylang, wala naman akong friends," pabirong sagot niya.

Noong pumasok raw siya sa industriya ay walasiyang kasabay at never siyang nai-insecure dahil ayon nga sa kanya, "Lahatnaman tayo ay stars in our own right. Sina Pokwang, stars in their own right,sina Euge...Ako naman, may sarili naman akong puwesto kagaya nila, kaya hinditalaga ako nai-insecure."

Nang tanungin naman siya kung sino ang susunodsa yapak niya sa pagpapatawa, "Wala pa akong napipili pero lahat naman silamagagaling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN