Kris Bernal on losing Mart Escudero as her love team: "Nasaktan po ako."


The young actress sets career as her top priority. With two shows on GMA-7, Kris Bernal (left) has no time for love. Even if she and old "flame" Aljur Abrenica (right) are back together as screen partners, Kris focuses on her craft.


Dinalawng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Boys Nxt Door sa Kidz World, San Agustin 1,DasmariƱas, Cavite, last Saturday, September 29.

Thankful ang buong cast dahil nagsimula na ang second season nilakahapon, September 30, sa GMA-7, na mataas pa rin ang rating. At sa pagsisimula ng second season, balik naang mga love teams at naayos na ang mga gusot sa kanila. Pero siyempre, mayroonpa rin daw mga twist sa story, at may mga bagong characters pa ring papasok.

Medyoinaantok-antok pa si Kris Bernal nang makausap ng PEP dahil umaga na raw silanakauwi nina Marky Cielo at Aljur Abrenica mula sa taping nila ng Zaido(Pulis Pangkalawakan), at sa location na sila tumuloy.

Sa Boys Nxt Door, nagkabalikan naraw sila ni Aljur as a love team, pero nangiti siya nang tanungin kung balikanna rin sila ni Aljur. Di ba noong nasa StarStruck 4 pa sila, hindi lihim na nililigawan siya ni Aljur atsiya naman ay halata rin na in love dito?

"Salove team na po muna, pero nagsisimula na po muli kaming maging close dahilkami na nga ang magka-love team dito at sa Zaido. Hindi ko alamkung kanino ako mapupunta, dahil love triangle kami nina Marky,"nakangiting pahayag ni Kris.

"Masbibigyan po muna namin ng priority ang aming trabaho dahil pareho po namingipinagdasal at ipinagpasalamat na pinagkatiwalaan kami ng GMA network ngproject, lalo na po sa Zaido."

Ano angnangyari sa kanila ni Mart Escudero na dati niyang ka-love team? Nasaktan ba siya noong kay Jennica Garcia naipinareha si Mart at tumigil na rin ito ng panliligaw sa kanya?

"Opo,nasaktan po ako talaga noon nang hindi na kami ang magka-love team. Sa akin pokasi, doon nagsimulang mabuo ang friendship at bonding namin, 'tapos bigla pongnawala. Pero hindi ko po naman sinisisi si Mart, desisyon po iyon ngmanagement. Baka po si Aljur na talagaang gusto nilang maka-love team ko dahil wala naman siyang ka-love team afternaging Ultimate Hunk winner siya. Nagpapansinan po naman kami ni Mart dahil magkasama kami dito sa Boys Nxt Door.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sincekasama na rin sa BND si Jennica, kumusta naman ang relasyon nila?

"Okeypo kami ni Jennica, mabait po siya. Wala po naman siyang kinalaman sa amin ni Mart. Saka hindi po naminpinag-uusapan si Mart kung nagkakaroon kami ng break sa taping, maspinag-uusapan pa namin ang mga latest fashion, iyong usapangpang-teeners."

Sangayon, kahit nasa two weeks na ang Zaido, nag-a-adjust pa rin dawsiya sa taping nila kasi iba ang character niya as Amy, na tahimik at rebelde atgustong maging isa ring Zaido. Samantalang sa BND naman bilang si Coffee,iyong natural lamang niya ang iniaarte niya sa screen.

"PeroI feel blessed po sa mga dumarating sa akin. Bukod sa two TV shows ko, mayroon na rin po akong movie, ang Kulam ng Regal Entertainment, na na-starstruck po ako kay Judy AnnSantos nang una kong makasama sa shooting. Ang bait-bait at ang husay-husay po niyang umarte, at hindi siya mahiraphingan ng tips sa acting," nakangiting pagtatapos ni Kris na tinawag na paramag-take.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN