Bamboo guitarist Ira Cruz breaks silence on relationship with Phoemela Baranda


Bamboo guitarist Ira Cruz has reconciled with girlfriend Phoemela Baranda, but the two are facing yet another controversy. According to a report, Phoemela filed a blotter against Ira for allegedly hitting her. The musician, however, did not confirm or deny this. "Ask Phoem, di ba? I don't want to sound defensive either," said Ira.



In time for Phoemela Baranda's birthday celebration sa The Buzz kahapon, September 30, nagpaunlak ng exclusive interview sa kauna-unahang pagkakataon ang kanyang boyfriend for two years at member ng Bamboo rock band na si Ira Cruz.



Matatandaang nabalita noong July ang hiwalayan nina Phoemela at Ira. Nadamay ang pangalan ng ex-girlfriend ni Ira na si Mylene Dizon na siyang naging dahilan diumano ng hiwalayan ng dalawa. Pero mariing itinanggi ni Mylene na may kinalaman siya sa split nina Ira at Phomela.



Ilang buwan ang lumipas at nabalitang nagkabalikan na sina Ira at Phoemela, na kinumpirma naman nilang dalawa.



Two weeks ago, pumutok ang panibagong kontrobersiya kina Ira at Phoemela. Pagkatapos daw lumabas ni Phoemela with Ira sa isang fashion show ay naaksidente silang dalawa. Ayon sa lumabas na balita, nagkasakitan ang magkasintahan sa loob ng sasakyan kaya sila nabangga.



Pinuntahan ng The Buzz ang mga presinto sa Makati para hanapin ang sinasabing police blotter na diumano'y ipinasok ni Phoemela. Pero walang record na nakuha ang The Buzz. Sa gitna ng isyu, tanging si Phoemela lamang ang nagsasalita habang nananahimik si Ira.



Finally, nagsalita na rin si Ira sa The Buzz kahapon upang bigyang linaw lahat ng isyung ikinakabit sa kanya at sa pakikipagrelasyon niya kay Phoemela.



Unang nilinaw ni Ira ang isyu kung bakit sila nagkahiwalay noon ni Phoemela.



"Kumbaga, parang our term pa nga, e, parang 'this is not helping the both of us.' Siguro it's more of the thinking of personal growth or whatever. Siguro, we were thinking along the lines of making bawi. That's what I thought, that's what we thought."



Nagbigay rin ng pahayag si Ira sa pagkakadawit ng pangalan ni Mylene sa hiwalayan nila noon ni Phoem.



"I'm sure she [Mylene] didn't know why kung bakit nadamay din siya doon. We're friends. But no, no, definitely," mariin niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ikinuwento rin ni Ira kung paano sila nagkabalikan ni Phoemela.



"We only realized when it's lost, but it's not there anymore, di ba? After a while, nag-usap kami and then, of course, ‘how you're doing?' and all that stuff. And then, of course, along the line also, how is it going now? Tapos, umabot yung conversation na, kumbaga, I still feel the same way, I still love her and parang ganun na nga. So, we try [to] work things out. Kumbaga, we're still in the process of threshing out our issues," lahad ng gitarista ng Bamboo.

Sa isyu ng pananakit niya kay Phoemela, walang takot din itong sinagot ni Ira: "Ask Phoem, di ba? I don't want to sound defensive either."

Today, October 1, is Phoemela's actual birthday. Pinadalhan ni Ira ng personal cake si Phoemela sa The Buzz kahapon na ikinatuwa naman ng TV host.



"Happy birthday and I just hope all your dreams come true. So, be careful what you wish for," wish ni Ira para kay Phoemela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN