Paolo Bediones and Rufa Mae Quinto host GMA-7's new game show "Whammy!"


Rufa Mae Quinto and Paolo Bediones host the Philippine franchise of the international game show Whammy! which will be shown daily on GMA-7 starting October 8.



A new battle of game shows will begin next week.

Magpa-pilot next Monday, October 8, ang bagong game show na Whammy! sa GMA-7 bago mag-24 Oras. Papalitan ng Whammy! ang magtatapos na this week na Meteor Garden, ang Chinovela starring the Taiwanese group F4.

Isusunod pa rin sa Meteor Garden ang Season 2 nito na Meteor Rain, ngunit malamang na ilagay na ito sa Dramarama Sa Hapon block para magkasubukan ang game shows ng dalawang giant networks sa bansa, ang ABS-CBN at GMA-7. Magiging katapat ng Whammy! ang Kapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino sa ABS-CBN.

FremantleMedia, producer of American Idol, now owns the rights of Whammy! The said game show is the reincarnation of the short-lived game show noon sa U.S. na Second Chance. Later, it was revived with a different title, Press Your Luck. Dahil naging memorable ang cartoon character na si Whammy na part of the game, mas nakilala at naiba na naman ang pangalan nito as Whammy, Press Your Luck.

Several countries like the United Kingdom, Taiwan, Australia, Germany, and Turkey bought the rights to air a local version and now, GMA-7 naman ang nakabili ng rights nito sa Pilipinas.

Sina Paolo Bediones at Rufa Mae Quinto ang magiging host ng local version ng Whammy! Among the first group of players of the show na may tatlong contestants per game are Mark Herras, Rainier Castillo, and Rhian Ramos.

Ang Whammy! ang ika-apat na show ni Rufa Mae sa GMA-7 ngayon; ang iba pa ay Bubble Gang, SOP, at Showbiz Central. Bukod pa rito ang special participation niya as the voice of Fifi sa Marimar.

Ito naman ang ikalawang game show ni Paolo, na host din ng Sunday game show na Tok! Tok! Tok! Isang Milyon Pasok.

Tulad ng Celebrity Duets, na ang FremantleMedia rin ang producer, malamang na hindi rin ito mapalabas sa GMA Pinoy TV dahil sa usual stipulation ng mga franchises that local versions of the program can only be shown in the country that bought the rights.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN