Jinky Pacquiao puts lid on rumors linking Manny to Ara Mina


"Alam ko na nadadamay siya dahil may pelikula sila ni Manny. Kungnagkakatampuhan man kami ni Manny, may ibang dahilan at hindi si Ara'yon," says Jinky Pacquiao (right) about Ara Mina (left) , who is now being linked to her husband Manny Pacquiao.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang misis ni Manny Pacquiao na si Jinky sa birthday celebration ng unica hija nila na si Princess kahapon, October 1, sa Renaissance Hotel, Makati City. Tinanong namin si Jinky tungkol sa mga intriga na dumating sa kanila ni Manny kamakailan, lalo na ang tungkol sa pagkaka-link ni Manny sa sexy actress na si Ara Mina.

Si Ara ang leading lady ni Manny sa pelikulang Anak ng Kumander, na entry sa 2007 Metro Manila Film Festival.



Never na sinagot ni Jinky ang mga tanong regarding Ara, pero sa pagkakataong ito ay sinagot na niya para matapos na raw ang lahat.



Ayon kay Jinky, "Ilang beses na akong tinanong kung naging dahilan ba si Ara ng madalas daw naming pagtatampuhan ni Manny. Para sa akin, normal lang naman na magkatampuhan kami kasi mag-asawa naman kami. Normal lang ‘yon na may hindi kayo napagkakasunduan, di ba? Tulad nga nitong pag-alis niya, may konting tampuhan kami pero naayos naman agad.



"Pero walang kinalaman si Ara Mina," diin ni Jinky. "Alam ko na nadadamay siya dahil may pelikula sila ni Manny. Kung nagkakatampuhan man kami ni Manny, may ibang dahilan at hindi si Ara 'yon."



Nakakaramdam ba siya ng selos kapag nababanggit ni Manny ang pangalan ni Ara?



"Hindi naman," mabilis na sagot ni Jinky. "Wala naman 'yon talaga. Alam ko na trabaho ang ginagawa nina Manny at Ara. Hindi ako dapat magselos. Masasanay rin naman ako."



Totoo ba na may kinalaman si Jinky kung bakit hindi na si Ara ang aawit ng "Lupang Hinirang" sa laban ni Manny sa Las Vegas, kahit na choice daw ni Manny si Ara?



"Ganito ‘yan, e. Hindi naman direktang sinabi ni Manny na si Ara ang gusto niyang kumanta ng Philippine National Anthem. May mga iba siyang nai-suggest at kasama na doon ang name ni Ara. Pero sinabi rin niya na bahala na mamili yung mas nakakaalam diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ako, hindi ako nakikialam diyan. Noong tinanong ako, may mga nai-suggest ako tulad nga ni Kyla, Jonalyn Viray, Karylle, at Jolina Magdangal. Tama naman at napili nila si Kyla. Okay naman si Kyla sa akin kasi magaling siyang kumanta talaga at paborito ko siya. Pero hindi sa akin galing yung pagpili. Nagkataon lang na isa sa choices ko ay si Kyla na napili naman nila," paliwanag ni Jinky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN