Joseph Bitangcol now under Manny Valera's wing as Star Magic contract expires


Young actor Joseph Bitangcol's contract with Star Magic has expired. He is now being solely managed by Manny Valera, who also handles the members of Boyz. Com.



Expired na ang contract ng young actor na si Joseph Bitangcol sa Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN, at talent na siya ngayon ni Manny Valera.

Nang unang ipinakilala ang Boyz.Com, ang all-male group na binuo ng DMV Entertainment ni Manny, "hiram" lang noon si Joseph sa Star Magic while the rest (sina Polo Ravales, Frank Garcia, Gabb Drilon, and Alwyn Uytingco) ay mga talents na ni Manny.

Pawang mga ABS-CBN stars sina Frank, Gabb, Alwyn, at Joseph; samantalang nag-iisang Kapuso star si Polo. Co-managed ni Manny si Alwyn with Star Magic.

Sa presscon ng first series of major shows ng Boyz.Com kaninang hapon, October 2, it was announced na si Manny na ang solong magma-manage sa career ni Joseph as his Star Magic contract expires. Pinag-iisipan pa nina Manny at Joseph kung pipirma pa rin sila ng co-management agreement with Star Magic or not dahil mayroon namang offer.

Huling napanood si Joseph sa biglang nagtapos na soap nina Wendy Valdez, Bruce Quebral, at Diether Ocampo na Margarita, although semi-regular pa rin siya sa ASAP ‘07 every Sunday.

Si Joseph ang napapabalitang Kapamilya young actor na lilipat sa GMA-7 dahil noon pa lang, nang napabalitang nagbabalak si Manny na i-handle siya after his Star Magic expires, it was presumed that he will move to the Kapuso network.

Wala pa rin naman daw ganung plano sina Manny at Joseph, lalo na't may possible negotiation naman for a renewal of contract sa Star Magic.

Nakatakdang mag-perform ang Boyz.Com on October 20 sa Klownz Angeles with Alessandra de Rossi as special guest, at sa Zirkoh Timog na si Giselle Sanchez naman ang guest for that night.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN