Polo Ravales talks freely about his group, girls, and gay role


Hunky actor Polo Ravales admits to the entertainment press that among his girlfriends, he would want to reconcile with Sunshine Dizon. "Noong time kasi namin, sobrang bata pa kami, pero tumagal kami ng four years. Baka mas may chance ang relasyon namin ngayon dahil mature na kami. Curious ako kung magwu-work this time," he says.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Polo Ravales sa presscon ng first series of shows ng kinabibilangan niyang grupo na Boyz.Com kahapon, October 2, sa Uno restaurant sa Tomas Morato Ave., Quezon City.



Sari-sari ang napagkuwentuhan namin: mula sa Boyz.Com, ang soap opera niya na La Vendetta sa GMA-7, ang pelikulang Manay Po 2 (Three Gays and a Baby), at lovelife niya.



Itinanggi ni Polo na nanliligaw siya sa young actress na si Carla Humphries na nakitang ka-date niya sa Trinoma. Friend lang daw niya ang Star Magic artist at nagkayayaan lang silang mag-malling after nilang mag-gym.



Hindi pa rin alam ni Polo kung bakit hanggang ngayon ay galit sa kanya ang ex-girlfriend niyang si Ara Mina. Muli rin niyang ipinagdiinan na hindi niya girlfriend ang beauty queen na si Rizza Santos, dahil gaya ni Carla ay kaibigan lang daw niya ito.



Aprubado sana ni Frank Garcia, kasama ni Polo sa Boyz.Com at ex-boyfriend ni Sunshine Dizon, kung liligawan ulit ni Polo si Sunshine. May chance rin sana si Polo ligawan uli ang dating nobya dahil magkakasama sila sa La Vendetta, kaya lang ay balitang may boyfriend na si Sunshine sa katauhan ng businessman na si Jojo Manlongat.



"Sa mga naging ex ko, si Sunshine ang gusto kong balikan," pag-amin ni Polo. "Noong time kasi namin, sobrang bata pa kami, pero tumagal kami ng four years. Baka mas may chance ang relasyon namin ngayon dahil mature na kami. Curious ako kung magwu-work this time. Saka kahit naghiwalay kami, friends pa rin kami. I'm sure magiging comfortable ako with her."



GAY ROLE. Wala ring problema kay Polo kung babalikan niya ang gay role niya sa sequel ng Manay Po na ang magiging title ay Manay Po 2 (Three Gays and a Baby) sa Regal Entertainment pa rin.



"Malaki ang utang na loob ko sa Manay Po dahil isa ‘yon sa nagpabalik sa akin sa showbiz. Bakit hindi ko gagawin ang pelikulang malaki ang naitulong sa career ko? Okay pa rin sa akin na magkaroon kami ng kissing scene ni Luis [Alandy, gumanap na boyfriend niya sa pelikula]," pahayag ng sexy actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



BOYZ.COM VS. STUDS. Inintriga at ikinukumpara ang grupo nina Polo na Boyz.Com (kinabaibilangan din nina Frank Garcia, Joseph Bitangcol, Alwyn Uytingco, at Gabb Drilon) sa Studs na kinabibilangan naman ni Mike Tan at iba pang GMA Artist Center talents. Ang Studs kasi ang featured artists sa 2008 Calendar ng X-Ray magazine, kung saan nagpaka-daring ang mga miyembro nito.

Kaya ba ng grupo nina Polo ang pagka-daring ng Studs?



"Hindi na naming kailangang mag-pose for X-Ray dahil hindi kami magpapa-sexy. Magko-concentrate kami sa singing and dancing. Kung gusto n'yo, mag-i-strip kami rito, but can we not talk about the Studs?" natatawang sabi ni Polo.

SERIES OF SHOWS. Unang mapapanood ang Boyz.Com sa Klownz Angeles City sa Pampanga sa October 20 with Alessandra de Rossi as their guest. Susunod ang show ng grupo sa Zirkoh Timog on October 27 at si Giselle Sanchez naman ang guest nila.



Panay-panay na ang rehearsals ng grupo ngayon under Tony Carpio, their voice coach, for their two-hour shows. More or less 20 songs ang kasama sa kanilang repertoire at kasama rito ang solo number ng lima.



Kakantahin ni Polo nang solo ang "Upside Down" na ni-remake ng 6Cyclemind. Pinili ni Joseph ang "Sexy Back" ni Justin Timberlake; ang "Grow Old with You" ni Adam Sandler ang kay Gabb; "Di Bale Na Lang" ni Gary Valenciao at "Too Close" ng Next ang kay Frank; at "Narda" ang kakantahin nang solo ni Alwyn.



"Nakakakaba and at the same time, exciting isipin na may show na ang Boyz.Com at hindi na lang sa mall tour at TV guesting kami magpe-perform. It's my first time to perform na hindi ako acting, but as a performer. Wish us luck," wika ni Polo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN