Aiko Melendez covers tattooed name of estranged husband Martin Jickain


Actress-politician Aiko Melendez visited her tattoo artist yesterday to cover up the name of her estranged husband Martin Jickain which is tattooed on her belly.



Nagpunta ang actress-politician na si Aiko Melendez kahapon, October 2, sa kanyang tattoo artist para patakpan ang kanyang wedding tattoo. Ang kanyang tattoo sa bandang ilalim ng tiyan na may disenyong pangalan ng kanyang asawang si Martin Jickain ay ni-redesign para maging isang bulaklak.

Hindi na humarap sa camera si Aiko, pero pinayagan niya kaming ma-interview ang kanyang tattoo artist na si Gene Testa.

Ayon kay Gene, matagal na raw ipinapatanggal ng konsehala ng Quezon City ang kanyang tattoo, pero hindi magtugma ang kanilang mga schedule.

"Dahil nga naghiwalay na sila [ni Martin], ayaw na niya sa tattoo niya na pangalan ni Martin," kuwento ni Gene sa GMA News at PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag ni Gene, magkasunod daw niyang nilagyan ng tattoo sina Aiko at Martin bago sila ikasal. Si Martin din daw ay may tattoo na tulad ng kay Aiko na may disenyong pangalan naman ng actress-politician.

Nabalitaan namin na nauna na si Martin na nagpa-camouflage ng tattoo noong isang linggo.

Sa isang text message sa amin ni Martin, sinabi nitong masaya raw siya para sa asawa sa pagtatakip nito ng "wedding tattoo" nila.

"Good for her. At least now, she doesn't have my name tattooed on her body. Maybe that's also a good step for her peace of mind," mensahe ni Martin.

Pagkatapos lamang ng less than two years ay nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Aiko at Martin. Hindi pa malinaw sa ngayon ang pinag-ugatan ng kanilang hiwalayan, pero ayon sa mga lumalabas na balita ay dahil diumano ito sa pambababae ni Martin at "pananakit" nito kay Aiko.

May isang anak sina Aiko at Martin, si Marthena na isang taong gulang pa lang ngayon. Bukod kay Marthena ay may isa pang anak si Aiko na si Andre, na bunga naman ng pagsasama nila ng una niyang asawa na si Jomari Yllana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN