PEP EXCLUSIVE: Jake Cuenca vehemently denies "one-night stand" with Keanna Reeves


Young actor Jake Cuenca is now being linked to sexy comedienne Keanna Reeves. According to a report, the two celebrities have engaged in a sexual encounter, which Jake vehemently denies.



Nakatanggap ng report ang PEP (Philippine Entertainment Portal) from a very reliable source na bagama't hindi masasabing close friends ang isa sa pinaka-busiest young actor ng ABS-CBN na si Jake Cuenca at ang kauna-unahang Pinoy Big Brother Celebrity Editionwinner na si Keanna Reeves, something "intimate" daw happened sa dalawa in the past.

Ayon sa PEP source, na masasabing malapit kay Keanna, nang magkakilala raw kasi ang sexy comedienne at si Jake ay nagkaroon ng pagkakataon ang dalawa na magpalitan ng cell phone number. Since then, nag-text at nagkita raw ang dalawa that lead to a "one-night stand."

Minabuti ng PEP na hingan ng reaction isa man kina Jake at Keanna, lalo pa nga't pinaninindigan talaga ng aming source na totoo raw na may namagitan sa dalawa. In fact, isa raw sa dalawa ang very vocal sa ilang malalapit niyang kaibigan tungkol sa nangyari.

Sa pamamagitan ng cell phone ay nakausap ng PEP si Jake kagabi, October 2, at diretsahang nahingan ng komento tungkol sa isyu sa kanila ni Keanna. Bakas pa sa boses ni Jake na hindi maganda ang pakiramdam niya bagama't kakatapos lang daw niyang mag-taping para sa Lastikman.

Tinanong ng PEP si Jake kung aware ba siya na may ganitong usap-usapan or isyu sa kanila ni Keanna at ano ang masasabi niya rito.

"Aware po ako dahil may nag-mention na rin sa akin ng tungkol diyan. Pero grabe, hindi...hindi talaga! Wala pong katotohanan ‘yan, sobra naman!" mariing pagtanggi ni Jake.

May idea ba siya kung bakit sila natsitsismis ni Keanna at may namagitan na raw sa kanila?

"Wala rin po akong alam," sagot ng young actor. "All I know is that minsan ko pa lang yata nakita or naipakilala kami ni Keanna. I think, kung hindi ako nagkakamali, Bench Fever pa po ‘yon. Siguro after that, since pareho naman kaming Kapamilya, baka may mga times na nagkakasalubong or nagkakasama kami sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa isang project, wala pa naman po akong matandaan na nagkasama kami. So, imposible po talaga na may nangyaring ganyan sa amin. Imposible!" pagkadiin-diin ni Jake sa PEP.

Ayon sa kuwento, nagkaka-textan daw sila ni Keanna. Totoo ba ito?

"That's not true! Unang-una po, ako, I can say wala po talaga akong number ni Keanna sa cell phone ko. Hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ‘yan," sabi niya.

Dugtong pa ni Jake, halos wala na nga raw siyang pahinga from work since he is practically busy seven days a week.

"Yun pa po, halos araw-araw po yung trabaho ko, so paano pa ba ako magkakaroon ng oras sa ibang bagay? Sa ngayon, trabaho, ‘yon po talaga ang priority ko," saad ni Jake.

Idinagdag pa ni Jake na hindi na rin daw dapat pang palakihin ang isyu sa kanila ni Keanna dahil wala naman daw talaga itong katotohanan.

Nabanggit din ni Jake na baka dahil daw sa isyung ito ay pagsimulan na naman ng intriga sa pagitan nila ng ka-loveteam at rumored girlfriend niya na si Roxanne Guinoo, lalo pa raw ngayon na naiintriga sila na there's something wrong with their relationship.

Sa parte naman ni Keanna, hindi itong ang first time na naiugnay siya sa isang young actor. Matatandaang na-link na rin siya kina Cogie Domingo at Joseph Bitangcol, na parehong napabalitang nakaniig na niya. Pero pinabulaanan din nina Cogie at Joseph ang naturang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN