Paolo Bediones admits dating Wendy Valdez; denies liaison with Angelica Jones


TV host Paolo Bediones is known to be very private when it comes to his lovelife, but in a rare momemt, he talked about the women linked to him. While he admitted that he dated Pinoy Big Brother ex-housemate Wendy Valdez (inset, bottom), he denied Angelica Jones's (inset, top) previous statement that they became an item.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host na si Paolo Bediones bago ang formal launch ng bagong game show nila ni Rufa Mae Quinto na Whammy, Push Your Luck kahapon, October 2, sa Oasis Gallery, Quezon City.

Ipinaliwanag muna ni Paolo kung paano lalaruin ang Whammy, na magpa-pilot na sa October 8, bago mag-24 Oras sa GMA-7. Ito raw ang high-tech version ng U.S. show mula sa FremantleMedia na magbibigay ng big cash prizes and showcases sa mga mananalo.

Very strict daw ang Fremantle sa look ng show at nina Paolo at Rufa Mae kaya laging identical sa color ang isusuot nila. Ang fashion designer na si JC Buendia ang na-commission ng GMA-7 para mag-provide ng isusuot nila daily.

Wish ni Paolo na once a week, say every Friday o kung anong araw na gusto ng GMA-7, mga celebrities ang guests nila para mag-try ng kanilang luck. Kaya nabiro tuloy ang TV host kung puwede rin bang mag-guest doon si Angelica Jones na inili-link sa kanya.

"Okay lang, welcome naman sa show kahit sinong contestant, kahit sinong celebrities na available," nakangiting wika ni Paolo. "Saka magdi-depend din naman ‘yon kung sino ang iimbitahan nila. Kami ni Rufa Mae, hosts lang kami."

Sinubukan ng PEP na tanungin si Paolo tungkol sa mga isyu na nag-uugnay sa kanya kay Angelica at pati na rin kay Wendy Valdez. Basta kasi lovelife ay iwas sa pagsagot si Paolo.

"No, hindi ako nagde-deny," paglilinaw ni Paolo. "Tulad nang nabasa ko nga noon, yung tungkol sa amin ni Wendy, hindi ko ipinagkakailang nagde-date kami noon, after na nagkakilala kami pagkatapos ng Bb. Pilipinas in 2005. Pero hindi naging kami, although tumagal din ng three months ‘yong lumalabas kami, nagdi-dinner, inihahatid ko siya sa kanila... Nag-join pa nga siya noon sa Extra Challenge.

"Nasa stage pa lang kami na we want to know each other more, pero may mga dumating nang offers sa kanya noon. Kaya we decided na huwag muna kaming magpadalus-dalos, maging friends na lang kami, at asikasuhin muna ang mga trabaho namin. Nalaman ko na ngang pumasok siya sa Pinoy Big Brother.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I want to think na friends pa rin kami ni Wendy hanggang ngayon," patuloy niya. "Kaya lang, dito sa ating industriya, kapag hindi na kayo nagkikita, may sasabihin na. But I'm happy for her, alam ko dream niyang matulungan niya ang kanyang family, at ito na siguro ‘yong chance na hinihintay niya."

Samantala, matatandaang inamin ni Angelica sa Showbiz Central na nagkaroon sila ng relasyon ni Paolo. Magmula nang pumutok ang naturang balita ay walang narinig na anumang pahayag mula sa TV host.

Pero sa pakikipag-usap ng PEP kay Paolo kahapon ay itinanggi niyang may namagitan sa kanila ni Angelica.

"Wala, hindi talaga naging kami ni Angelica," diin ni Paolo. "True, ilang beses siyang nag-join ng Extra Challenge noon, pero wala talagang relasyong namagitan sa amin. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang balitang ‘yon. Nasagot ko na ‘yon ng ilang beses, and for me it's a closed book. It's not worth my time."

Sa ngayon ay masaya si Paolo sa piling ng kanyang girlfriend of three months na si Abigail Cruz, 2007 Bb. Pilipinas 2nd runner-up.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN