Rafael Rosell clarifies role-grabbing issue in "Prinsesa ng Banyera"


"Ganyan po talaga yata ang showbiz, hanggang hindi ka pa nagtatrabahofor a role, hindi mo pa matatawag na sa iyo na ito by merely passing anaudition. I am saying this in general," says Rafael Rosell about his role in Prinsesa ng Banyera, which was reportedly first offered to Sid Lucero.



Para kay Rafael Rosell, wala siyang inagawan ng role o sinulot na anuman kahit kanino. Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isa sa mga bida ng pinakabagong soap opera ng ABS-CBN na Prinsesa ng Banyera, nilinaw nito na hindi siya aware sa balitang sa kanya napunta ang role na dapat daw ay kay Sid Lucero.

"I am not really aware of that. I could not make any comment dahil nang finally po ay sinabi nilang magkakaroon ng switch of roles, I did not know kung sinu-sino po ang iba pang nag-audition," paliwanag ni Rafael.

Tatlong beses daw siyang tinawagan ng production ng Prinsesa ng Banyera to audition for a role and he obliged. Inamin din niyang ang role ni Eric—na si TJ Trinidad na ang gaganap—ang ipinagawa sa kanya. At maayos naman niyang nagawa ang papel, ayon na rin sa initial feedback ng production people in charge.

"When I finaly got a call, sinabi nilang nakuha nila ako but for the role of Charles na. Yung supposedly bratty-rich kid in the story na na-involve kina Kristine [Hermosa] at Angelika [dela Cruz]," kuwento ng hunky actor.

Aware naman daw si Rafael na nangyayari ang pagpapalit ng cast member kahit saang project. In fact, minsan na rin itong na-experience ni Rafael nang sabihan siya na siya ang napili for a TV role, only to be replaced at the last minute.

"Ganyan po talaga yata ang showbiz, hanggang hindi ka pa nagtatrabaho for a role, hindi mo pa matatawag na sa iyo na ito by merely passing an audition. I am saying this in general," depensa ni Rafael, sabay sabing hindi naman daw niya personal na kilala si Sid, na napabalitang nawalan ng role dahil sa kanya.

If ever na magkita at magkakilala raw sila ng anak nina Mark Gil at Bing Pimentel, he will approach him, say hello, and will even talk to him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am being professional here," sabi ng 2007 Urian Best Supporting Actor. "Seven years na din po ako sa business na ito at madami na din po akong natutunan. Isa na dun ang maging open-minded at marespeto sa kapwa. Sana naman po ay huwag na itong palakihin pa dahil as I said, I am an actor who is a given a role to portray and that I owe it to the people who have trust and confidence in me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN