Rufa Mae Quinto shrugs off competition with Kris Aquino's game show


"Hindi ko naman inisip na magkakaroon ako ng game show na makakatapatniya. Saka gusto lang naman naming magpasaya ng mga tao at magbigay ngpremyo sa mga mananalo," says Rufa Mae Quinto about not competing with Kris Aquino's game show. Rufa Mae and Paolo Bediones will co-host the Philippine franchise of the U.S. game show Whammy! Push Your Luck.



Medyo tanned ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) before the formal launch ng bago nilang game show ni Paolo Bediones, ang Whammy! Push Your Luck sa Oasis Gallery, Aurora Blvd, Q.C. kahapon, October 2.

Nagkasunud-sunod daw kasi ang shooting niya ng Apat Dapat, Dapat Apat, kasama sina Eugene Domingo, Pokwang, at Candy Pangilinan; at ang Pasukob nila ni Ai-Ai delas Alas. Kakatapos lang nilang mag-taping ng Bubble Gang sa isang beach sa Batangas para sa kanilang 12th anniversary. Kailangan din niyang magpa-tan talaga para sa kanyang Bench Body pictorial.

Ang Whammy! Push Your Luck ng USA FremantleMedia ay makakatapat ng game show ni Kris Aquino sa ABS-CBN, ang Kapamilya Deal or No Deal, starting October 8. Hindi ba napi-pressure sina Rufa Mae at Paolo na ang makakatapat nila ay si Kris?

"Okay lang, friend ko naman si Kris at love ko siya," sagot ni Rufa Mae. "Mabait siya sa akin at madalas pa nga kaming lumalabas noon, kumakain kami... Mahilig kasi kaming kumain ng pasta, Mongolian food. Kaya lang ngayon, hindi ko na siya natatawagan. Hindi ko na alam ang cell phone number niya. Pareho na rin kaming naging busy.

"Hindi ko naman inisip na magkakaroon ako ng game show na makakatapat niya. Saka gusto lang naman naming magpasaya ng mga tao at magbigay ng premyo sa mga mananalo.

Patuloy niya, "Mas napi-pressure ako kay Paolo kasi ang husay-husay niyang mag-host, lalo na sa isang game show na tulad nito. Ako, talagang kina-career ko, siniseryoso ko. Double effort ako simula nang tanggapin ko ito. Kailangan kasing bilisan ko ang salita ko. Alam naman ninyo na artista ako, hindi ako host, kaya big challenge talaga sa akin ito.

"Kailangan kung magsasalita ako, straight to the point agad, dahil thirty minutes nga lang ang show namin. Nakikipag-one-on-one ako sa writer at kay Direk Cesar Cosme, para matutunan ko kung paano ako magsasalita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahigpit din ang Fremantle sa mga rules nila. Pero happy kami ni Paolo, kasi ito ‘yong game show na kakampi kami ng mga contestants. Nalulungkot kami kapag natatalo sila, pero kami yata ang unang nae-excite kapag alam naming panalo sila," pagtatapos ni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN