Chokoleit airs side on role-grabbing issue with Allan K


"Naisip ko rin naman na hindi talaga ‘yon para sa akin kasi katulad ng nangyari sa ZsaZsa Zaturnnah, nauna ‘yong inalok kay Allan, pero napunta sa akin. Siguro, ano lang, balik lang ito nung nangyari," says Chokoleit (left) about the role-grabbing issue with Allan K (right) in the comedy film Pasukob.



Inamin ni Chokoleit sa grand presscon ng Prinsesa ng Banyera kahapon last October 2, na nakatanggap siya ng demand letter mula sa singer na si Kuh Ledesma in connection sa mga shows abroad na dapat nilang gawin.



"All the while kasi, I thought nung nagkasama kami the last time, nung nasa Amerika kami, klinaro ko na after our last show, ayoko muna. Kasi nga, may soap ako and I'm gonna do a movie.

"Actually, isang taon na akong walang regular show sa TV. Medyo nakakalimutan na ako ng mga tao. Tapos sa Amerika, tanong nang tanong ang mga tao, ‘O, hindi ka na namin napapanood.' So, sabi ko, gusto ko munang mag-concentrate dito [soap].

"Now, alam ‘yon ng manager ko, si Arnold [Vegafria] na ganyan. Ang nangyayari kasi, ang kumukuha ng shows, sina Kuh doon sa Amerika na ganun-ganun, nagba-block-off sila ng schedule, puro FYI lang sa akin at tapos o-okeyan na nila. So, inokeyan pala ni Arnold without me knowing it. Nalalaman ko na lang, ‘Ay, may show!' Ganun. ‘E, di ba sinabi ko na ayoko na muna?'" lahad ni Chokoleit.



Nilinaw rin ng comedian na dahil ang manager niyang si Arnold Vegafria ang tumanggap ng commitment na ‘yon sa kanya, kaya feeling niya ay damay na rin siya dito.

"So, sabi ko, ‘Sige tapusin na lang natin yung commitment na ‘yon.' At saka ayoko rin namang magsunog ng tulay. ‘Tsaka abala rin yung mga ganung dema-demanda. 'Tsaka siguro para lang din maano na, sinulatan din nila ako na tapusin na lang natin kaya itinuloy ko na rin.

"Pagkatapos niyan, na-release na ako kay Arnold. Kumbaga, wala na ako kay Arnold. Hindi na siya ang manager ko, released na ako sa kanya. Tatapusin ko lang yung show kay Kuh sa Kansas City at sa Norway," pagbabalita niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagkaalis kay Arnold ay plano ni Chokoleit na bumalik ulit sa Star Magic ng ABS-CBN para ito na ang mag-manage ng kanyang career.



PROBLEM ON THE SET? Marami naman ang natuwa na napasama ulit sa isang show ng ABS-CBN si Chokoleit, ang Prinsesa ng Banyera. May mga nasulat kasi na ayaw na siyang kunin ng ilang production head sa shows ng ABS-CBN dahil nagkakaproblema sa kanya.



"Actually, I must admit na totoong may ganun," pag-amin naman ni Chokoleit. "I don't know why. Siguro may mga tao lang talaga na hindi ma-accept na komedyante ako. Akala ko maiintindihan ako ng lahat. Yung mga punchline ko lang na kunwa-kunwari kalokohan, siguro hindi nakuha ng mga staff.

"Nagso-sorry naman ako doon na, ‘Oo nga naman. Hindi naman lahat ng tao naiintindihan ako.' Nakarating doon [management] na ganito ako, ganyan ako. Pero hindi naman. Madali akong katrabaho. I can deliver. Hindi naman ako nale-late. Dumadating ako sa set na ready. Kung umaalis naman ako, napa-pack-up na ako sa set.

"Pero yun nga, nung maano ako na dapat pala titingnan ko rin yung mga tao around kung maa-adapt nila ang ugali ko na kunya-kunyarian na... Yung kabaklaan lang na hindi pala maganda na gawin ko sa kanila, so ‘yon ang nakakarating doon [sa itaas]. Siguro I have to be really careful na lang next time. Natuto na ako, ibang-iba na ako ngayon."

RIFT WITH ALLAN. Nagpaliwanag din si Chokoleit tungkol sa isyu sa kanila ni Allan K para sa isang mahalagang role sa Pasukob ng OctoArts Films mula sa direksiyon ni Wenn Deramas.

"Lumabas din ang isyu na before I left for U.S., nakausap ko na si Direk Wenn. Sabi niya, may role nga raw ako sa Pasukob, ganyan-ganyan. Because of tsu-tsus at hindi pagkakaunawaan ng manager ko sa OctoArts or the final say, siyempre ang producer pa rin ang masusunod. I understand the ano na... Gusto man ako ng director, e, ang producer ang may gusto, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi aminin natin, mas may mileage nga naman talaga si Allan. On producer's side, kinuha nila si Allan para ma-promote araw-araw yung movie [sa Eat Bulaga!]. So, naisip ko rin naman na hindi talaga ‘yon para sa akin kasi katulad ng nangyari sa ZsaZsa Zaturnnah, nauna ‘yong inalok kay Allan, pero napunta sa akin. Siguro, ano lang, balik lang ito nung nangyari.

"‘Tsaka nag-shoot na ako sa Pasukob. Kumbaga, to show my sportsmanship at hindi ako bitter, tinanggap namin yung guest role na importante naman. Bale parang punch line siya sa movie. It's a cameo role. Tapos ‘yon, we had a long talk ni Allan sa set.

"Wala, walang binanggit tungkol doon [role-grabbing]... Tsikahan, baklaan. Last week ‘yon, ako ang unang dumating. Nung dumating siya, inano ko na agad siya. Sabi ko, ‘Hi, Allan.' Pagkatapos nun, pinag-usapan namin ang tungkol sa trabaho. Pero hindi namin pinag-usapan yung isyu. Pati si Ai-Ai [delas Alas], katsikahan namin," mahabang kuwento ni Chokoleit.

So, hindi na-settle yung isyu at kung saan nagmula ang intriga sa kanila ni Allan?

"Parang siguro it's understood na okay na ‘yon," sagot niya. "Tanggap ko na hindi para sa akin yung major role. The next time magkita kami, I will do that. Nakalimutan ko lang ‘yon gawin nung huli kaming magkita. Na tama, kailangan kong pag-usapan ‘yon with him para maklaro."

Sa palagay niya, saan kaya nag-umpisa ang mga text messages na kumalat regarding sa "sulutan" ng projects nila ni Allan?

"I don't know," sabi ni Chokoleit. "Wala talaga akong kaalam-alam sa ganun. Sabi nga niya [Allan], may mga gumagawa raw talaga ng ganyan. Pero okay naman kami ni Allan. Nakakapunta nga ako sa Klownz, e. Nung meron silang Ms. Friendship-International, nanood ako dun. He even went to ano...lumapit pa siya sa table ko, tumabi pa siya sa table ko. Ako rin naman, nag-perform saglit."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba niya nararamdaman na parang walang katapusan ang isyu sa kanila ni Allan since nagsimula siya as a comedy-bar host?

"Oo, feeling ko nga never-ending," pagsang-ayon ni Chokoleit. "Kaya nga I wish the next time na magkita kami, ako na ang mag-o-open kay Allan. Ngayon nga lang, hindi namin napag-usapan na, ‘O, next time pag may mga ganyan-ganyan, basta huwag na tayong magganun-ganun. Tanggapin na lang natin na siguro ganoon na lang tayo. Huwag magpaapekto at talaga sa business na ‘to, meron talagang kabati, merong may mang-aaway sa ‘yo.'

"But on my part, flattered ako doon, ha. Yun bang si Chokoleit, itinatapat sa isang Allan K. Sino ba naman ang ayaw maging isang Allan K na kasing-yaman niya, ‘no?" halakhak niya.

Pero ano ba talaga ang naramdaman niya nang malaman niya na hindi na siya ang gaganap sa role na napunta kay Allan K?

"Sumama talaga ang loob ko," pag-amin niya. "Hindi ko naman naitago ‘yon, e. Lalo na yung napag-usapan na, tapos all of a sudden hindi na. Pero na-realize ko rin na kung hindi ukol, hindi bubukol. ‘Tsaka mas pangit naman yung inalok ako na mag-cameo role tapos hindi ko tatanggapin. It's my way of letting them know na okay na ako."

JOHN LAPUS. Paano naman nadamay sa isyu nila ni Allan K si John "Sweet" Lapus?

"Wala naman siyang kinalaman doon kahit idinadamay siya ng iba," sagot ni Chokoleit.

Kumusta naman sila ni John?

"Okay naman kami ni Sweet. Ang relasyon kasi namin ni Sweet... Huwag kayong magtaka kung magkita kami, tarayan, laitan. 'Yon na ang nasimulan namin, e. Wala kaming besohan, wala kami nun," sabi niya.

May halo bang personal ang tarayan at laitan nila?

"Huh?! May halo!" tawa niya. "Wala naman akong ano kay John. Basta kung sinasabi namin sa isa't isa, totoo ‘yon. Siyempre siya, nagmamaganda siya lagi. Tapos hahanapan ko siya ng ano para malait ko rin siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi naman kasi kami ganun ka-best of friends ni Sweet, e. Pero kapag nagkikita kami, like magkasama kami sa Amerika, ganun lang kami. Okay lang kami, ganun lang," pagtatapos ni Chokoleit.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN