Angelika dela Cruz avoids questions about her rumored transfer to GMA-7


"Ayoko pong mawalan ng respeto sa akin ang ABS at kahit ang ibangnetworks dahil hindi ako magsasalita ng kung anu-ano against them dahiltalent lang po ako. Ayoko pong maging bastos kahit na kanino. Sakapagdating nga sa deals with my projects, merong nakikipag-usap for me,na alam what I want. Kaya I don't wanna talk about it," says Angelika dela Cruz about rumors that she has sent feelers to GMA-7.



Sa bagong afternoon soap opera ng ABS-CBN, ang Prinsesa ng Banyera, hindi maikakailang kontrabida ang dating ni Angelika dela Cruz kay Kristine Hermosa sa nasabing palabas.



Pero sa press conference ng Prinsesa ng Banyera sa 9501 restaurant noong October 2, sinagot ni Angelika ang mga katanungan tungkol sa napabalitang diumano'y paglipat niya sa GMA-7, dahil nga sa walang proyektong ibinibigay sa kanya ang Dos. Idagdag pa riyan ang pagtanggi sa role sana niya sa Ysabella ni Judy Ann Santos.



"It's true na in-offer sa akin ang isang role in Ysabella," panimula ni Angelika. "Comedy sana yung role ko pero yung character is parang sa Sana'y Wala Nang Wakas pa rin. So, nag-decide ang Backroom [talent management of Boy Abunda] na huwag na muna itong tanggapin for me. Dahil alam naman nila kung ano yung gusto ko pa sanang magawa. Hindi ko sinasabing ayoko nang mag-kontrabida roles. Ang sa akin, sana yung hindi naman ako mata-typecast as kontrabida. I will portray sana yung role ni Desiree del Valle now [sa Ysabella].



"With regards naman sa mga nasulat about my paglipat and all that, for me, that was so unfair. Kasi sana, tinanong muna nila ako about it. Hindi ko nga alam kung saan ‘yon nanggaling. Kasi ang lumabas, nagrereklamo raw ako kaya ‘yon ang desisyon ko, lumipat na lang.

"Ayoko pong mawalan ng respeto sa akin ang ABS at kahit ang ibang networks dahil hindi ako magsasalita ng kung anu-ano against them dahil talent lang po ako. Ayoko pong maging bastos kahit na kanino. Saka pagdating nga sa deals with my projects, merong nakikipag-usap for me, na alam what I want. Kaya I don't wanna talk about it. Ang sa akin lang, napaka-unfair lang nung nasulat although sabi nung sumulat, headline lang naman daw ‘yon at wala naman daw sa content. "



Is she affected by the network wars?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ayoko nga pong maapektuhan dahil talent ako. Hindi ako dapat nakikisawsaw sa kung anuman. Ang dapat na iniintindi ko, ang trabaho ko. Kung nasabi kong hindi na ako happy, it has something to do with the roles I am doing. And I want to rest from that.

"Kaya itong Prinsesa ng Banyera ang tinanggap ko dahil hindi all-out kontrabida ang gagawin ko. Okay siya and challenging din. Kaya ayoko ring ma-typecast as kontrabida lagi, it's because I still want to pursue a career in singing. And very soon, I will start na doing my next album. Kasi, gusto ko rin pong kumanta," paliwanag ni Angelika.



THE MEN IN ANGELIKA'S LIFE. Napag-usapan naman ang common denominator nila ni Kristine na si Jericho Rosales, na kapwa naging ex-boyfriend ng dalawang aktres. Hindi ba sila nagkailangan ni Kristine sa trabaho?



"Dati na kaming nagkakasama sa work ni Kristine and wala naman sa amin ‘yon," paglilinaw ni Angelika. "Ang sabi ko nga nung natatanong ako lagi about that, ‘Ang swerte niya [Jericho]. Sana maging kasing-suwerte rin niya kami.' Masuwerte siya, magaganda lahat kami!

"We never talk about it naman, yung mga ex namin. For me, mas magandang yung current ang pag-usapan kesa yung past na. At saka respeto na rin ‘yon sa girlfriend niya [Jericho]. O, di ba, ang gaganda namin? Ang suwerte niya talaga!" tawa pa niya.



Na-link din si Angelika sa isa pang mahilig sa mestiza na si Derek Ramsey. Kaya nasabi rin na malamang na ito ang dahilan kung bakit hindi siya natuloy sa Ysabella dahil may Angel na raw doon—si Angelica Panganiban na girlfriend ni Derek.



"Ah, ‘yan ang imposibleng mangyari, na magkaroon kami ng away ni Derek. Noon pa, talagang we are very good friends na. Alam namin sa mga sarili namin na hanggang doon lang talaga kami. Marami na ang nagtanong sa amin kung bakit hindi naging kami. Meron talagang gano'n, talagang pang-friends lang habambuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, I'm always happy for people being happy. In short, hindi kami talo. And by saying hindi talo, hindi ‘yon yung iniisip n'yo about gender, ha. Talaga lang we can't be dahil mas feel namin yung maging friend lang sa isa't isa," paliwanag niya.



Kumusta naman ang current lovelife niya? Angelika is going out with businessman Orion Casareo.



"Almost two years na kami," nakangiting sabi ni Angelika. "Pero no, wala pang usapan about getting settled at medyo matagal-tagal pa ‘yon dahil may mga gusto pa kaming gawin sa buhay namin as far as careers are concerned. He's 24 years old. Nasa shipping ang family niya and also into real estate. And he owns a gym where I work out. Kaya name-maintain ko ang maging fit kasi ‘yon [Orion] ang unang-unang lumalait sa akin pag medyo tumataba na ako o hindi na ako nakaka-workout. Kaya kina-career ko ang kickboxing.



"With other things naman in my life, nagbi-business din nang paunti-unti. Yung parang ako ang nagsu-supply kung ano ang kailangan ng tao. For example, office supplies o kahit ano. Parang name it and you'll have it. Para na rin sigurong personal shopper."



May time pa ba siya to do all that?



"If you want to do something, there is always time for everything," sagot ni Angelika.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN