Jean Garcia debunks "condom issue" involving daughter Jenica and Mart Escudero


"If I say something like that to Mart, it's like saying naniniwala akona may nangyayari sa anak ko. Napaka-inosente pa ni Jenica, hindi pasiya nagkaka-boyfriend," explains Jenica Garcia about a malicious report where she allegedly told Mart Escudero to use rubber.



Pagkatapos makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sina Jenica Garcia at Mart Escudero sa condom issue na iniyakan ni Jenica at ikinabahala ni Mart, ang ina naman ng young actress na si Jean Garcia ang sumagot sa issue sa presscon ng Hide and Seek ng Regal Films kagabi, October 3, sa Imperial Palace Suites, Quezon City.

Napabalita kasi na pinagsabihan diumano ni Jean si Mart na gumamit ng condom dahil sa napapabalitang relasyon ng young actor sa anak ng aktres.

"Tingin mo magsasalita ako ng ganoon tungkol sa anak ko?" balik-tanong ni Jean bago siya pumasok sa presscon venue.

Ipinaaala namin kay Jean na ito rin ang exact words noon ni Mart nang siya ang tinanong namin dito. Sa tingin daw ba namin ay magsasalita ng ganun si Jean kay Jenica.

"Exactly!" sambit ni Jean. "Kung sa mga barkada ko o sa mga kaibigan kong bakla, sasabihin ko ‘yon, pero hindi sa anak ko."

Kuwento ni Jean, naiyak din si Jenica sa kanya nang ikinuwento nito sa kanya ang tungkol sa condom issue at naawa siya sa anak. Magpapaliwanag daw si Jenica, pero sinabi sa kanya ni Jean na wala siyang dapat ipaliwanag.

"Na-sad lang ako kasi it's my daughter. She's just seventeen, she's a nice person, she's decent. Huwag sanang i-corrupt ang emotion ng bata.

"When she cried, gusto kong sabihin sa kanya na ‘Ganun talaga ang showbiz, masanay ka na.' But I didn't. Showbiz shouldn't be like this, tayo-tayo nagsisiraan.

"Ang sinabi ko na lang siya na huwag magpaapekto, just pray. Naghirap akong palakihin siya na maging mabuting tao kaya nasasaktan ako," pahayag ni Jean.

Nagalit ba si Jean sa nagsulat ng naturang intriga?

"Nagalit? No. More on nalungkot lang ako. They're putting words into my mouth. Easy naman to say 'yes' kung sinabi ko talaga ‘yon, pero hindi nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"If I say something like that to Mart, it's like saying naniniwala ako na may nangyayari sa anak ko. Napaka-inosente pa ni Jenica, hindi pa siya nagkaka-boyfriend.

"Pinapayagan ko naman siyang magpaligaw at palagi ko namang sinasabi na just enjoy the loveteam muna. Hindi ko siya pinipigilan, malay natin sa isang buwan may boyfriend na siya or next year, pero wala pa nga ngayon. So bakit naman ako mag-iisip ng ganoon sa anak ko?" paliwanag ni Jean.

Hindi raw nabasa ni Jean ang actual items tungkol sa condom issue at wala na siyang balak basahin pa. Wala na ring plano si Jean na alamin kung sino ang nagsulat.

"God bless them na lang," ang huling sabi ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN