Jenica Garcia confident that daddy Jigo trusts her on "condom issue"


"Siguro naman alam na niya ang tungkol doon. Hindi pa kasi niya akotinatawagan regarding that. Ayaw niya lang siguro akong kausapintungkol doon. May tiwala naman si Daddy kay Mommy, e. Alam niya nanaayos na namin ‘yon ni Mommy," says young actress Jenica Garcia about discussing the "condom issue" with her father, former actor Jigo Garcia (inset).



Hindi pa nakakausap ni Jenica Garcia ang kanyang ama na si Jigo Garcia tungkol sa kumalat na blind item, kung saan sinabihan daw ng ina niyang si Jean Garcia si Mart Escudero na gumamit ng condom. Ayon kay Jenica sa presscon ng Hide and Seek kagabi, October 3, sa Imperial Palace Suites, two weeks ago pa raw niya huling nakasama ang kanyang Daddy Jigo sa birthday ng isang kapatid niya sa ama.



Pakiramdam ni Jenica ay alam na rin ng Daddy Jigo niya ang tungkol sa pag-iyak niya nang dahil sa naturang blind item. Hinala niya ay ayaw na lang ng Daddy niya na i-discuss ito sa kanya dahil baka lang sumama ang loob nito.



"Up-to-date naman si Daddy sa mga balita tungkol sa akin," sabi ng young actress. "Siguro naman alam na niya ang tungkol doon. Hindi pa kasi niya ako tinatawagan regarding that. Ayaw niya lang siguro akong kausapin tungkol doon. May tiwala naman si Daddy kay Mommy, e. Alam niya na naayos na namin ‘yon ni Mommy."



Pero plano pa rin daw ni Jenica na mag-usap sila ng Daddy Jigo niya. Kung i-open up daw ito ng kanyang ama, makikinig daw siya sa mga maipapayo nito.



"Lagi naman akong nakikinig kay Daddy. Lahat naman ng ibilin niya, sinusunod ko. Noong pumasok nga ako sa showbiz, ayaw niya talaga. Pero napilit ko siya, kaya nagtiwala siya sa akin at kay Mommy. Conservative kasi si Daddy. Concerned lang siya sa puwedeng mangyari sa akin."

Si Jigo ay dating miyembro ng youth-oriented variety show na That's Entertainment at dito sila nagkakilala ni Jean Garcia. Ngayon ay pinuno ng isang barangay sa Quezon City ang dating teen star.

MONEY MATTERS. Hindi rin pala itinuloy ni Jenica ang pagbili ng bagong laptop. Dapat ay bibili siya ng brand new laptop mula sa talent fee niya sa kanyang ini-endorse na clothing line. Pero nagdadalawang-isip daw si Jenica dahil may bagong computer pa naman siya sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ang hirap palang ilabas ang pera kapag naipasok mo na sa bangko!" sabay tawa niya. "Sa totoo lang, noong mabigay ang talent fee ko from my first endorsement, inisip ko na bumili ng laptop. Pero noong napasok ko na sa bank account ko, parang ayoko nang ilabas. Umiral ang pagiging kuripot ko bigla!



"Siguro itatago ko muna ang pera na ‘yon for my future use. May computer naman ako sa bahay kaya ‘yon muna ang gagamitin ko. Hindi muna ako magwawaldas ng kinikita ko."



Wala raw talagang plano si Jenica sa kanyang 18th birthday sa December. Ayaw niya ng malaking party. Gusto lang niya na tahimik at gawin ang kanyang birthday kasama ang kanyang mga kapatid.



Ang wish ni Jenica para sa kanyang birthday ay magkaroon ng maraming trabaho sa TV at pelikula. Gusto raw niyang makaipon agad para may maitatago siya para sa kanyang kinabukasan.



Introducing si Jenica sa horror film na Hide and Seek ni Direk Rahyan Carlos para sa Regal Entertainment. Kasama niya rito ang ina niyang si Jean Garcia at ang ka-loveteam niyang si Mart Escudero. Also in the cast are Alessandra de Rossi, Eric Quizon, Valeen Montenegro, Ryan Eigenmann, and Rubi-Rubi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN