Kapamilya and Kapuso stars join forces in Regal's "Shake, Rattle & Roll 9"


Kapuso stars Dennis Trillo and Katrina Halili (top) and Kapamilya stars John Prats and Roxanne Guinoo (bottom) are featured in the ninth sequel of Regal's horror movie Shake, Rattle & Roll.



Mix and match ang magaganap sa tatlong episodes ng horror film na Shake Rattle & Roll 9.

Kilala ang Regal Entertainment as the only film outfit ngayon na puwedeng pagsamahin ang mga artista ng ABS-CBN at GMA-7. In fact, in all its movies, mother-and-daughter producers Lily Monteverde and Roselle Monteverdeo-Teo make it a point na may Kapuso at Kapamilya stars sa cast.

This technique of mixing ang matching stars will be maximized most sa isa sa dalawang Christmas opening movies ng Regal sa 2007 Metro Manila Film Festival: ang Shake, Rattle & Roll 9, kung saan magkakasama ang stars ng dalawang giant networks sa bansa.

Sa "Engkanto" episode ni Topel Lee, it's Marimar meets Pedro Penduko. Si Katrina Halili, who plays Angelica sa Marimar, ang title role at ang featured loveteam ay sina Matt Evans and Melissa Ricks ng Pedro Penduko.

Galing sa StarSruck si Katrina, si Matt ay sa Pinoy Big Brother Teen Edition, at si Melissa naman ay mula sa Star Circle Quest. Makakasama rin nila sa "Engkanto" ang StarStruck graduates na sina Mart Escudero at Jewel Mische, ang Little Big Star winner na si Sam Concepcion, together with Felix Roco and Jojo Alejar.

Sa "Christmas Tree" episode naman ni direk Paul Daza, first time na magpapares sina Lovi Poe of SOP and John Prats of ASAP. Makakasama naman nila rito ang dalawang beteranang aktres na may respective soaps din sa dalawang stations, si Ms. Gina Alajar of Pasan Ko Ang Daigdig ng GMA-7 at si Ms. Boots Anson Roa ng Kokey sa ABS-CBN. Also in the cast are Showbiz Central mainstay John "Sweet" Lapus and Star Magic kid wonder Nash Aguas.

Pinaka-kontrobersiyal ang pairing sa third episode na "Bangungot" ni Mike Tuviera dahil it's the leading man of Zaido: Pulis Pangkalawakan at ang leading lady ni Lastikman. First time pairing din ito nina Dennis Trillo at Roxanne Guinoo, kahit ang mga primetime soaps nila ang pinagsasabong ngayon, having the same genre and piloting the same week. Makakasama naman nila rito ang PBB Season 1 housemate na si Jason Gainza.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Shake, Rattle & Roll 9 will open on Christmas day, kasabayan ng Bahay Kubo ng Regal din; Resiklo ng Imus Production; Sakal, Sakali, Saklolo ng Star Cinema; Enteng Kabisote 4 ng OctoArts at M-Zet; at Katas ng Saudi ng Maverick Films.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN