FIRST READ ON PEP: John Lapus reacts to "mukhang pera" claim of anonymous text message


John "Sweet" Lapus denied leaving Klownz due to a talent fee (TF) squabble with management. A text message was received by PEP on October 4, claiming that Sweet made an issue out of Jose Manalo's higher TF.


Isang text message ang natanggap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, ika-4 ng Oktubre, tungkol sa host-comedian na si John "Sweet" Lapus.

Heto ang nilalaman nito: "Nag-resign sa Klownz ang mukhang pera na si John Lapuz dahil nalaman na mas mataas ang TF [talent fee] ni Jose [Manalo]sa kanya. Ang kapal ng mukha. Hoy Swit, Don't tel [sic] a lie."

Nang tanungin si Sweet tungkol dito ay sinabi niyang natanggap na rin niya ang naturang text message and "it ruined his day."

"Papatulan ko ito. Una, 's' ang Lapus ko not 'z.' Pangalawa, 'Don't Lie To Me'ang title ng aking segment sa Showbiz Central na mataas na naman ang rating last Sunday [September 30]. Pangatlo, matagal ko nang alam na mas mataas ang talent fee ni Jose [Manalo] sa Klownz keysa sa akin," ang panimulang sabi ni John.

Sa pagpapatuloy niya, "I kept my regular Monday gig in Klownz Quezon Ave. for the past three years because I want to, and I consider my fellow entertainers as family. Masaya ako 'pag magkakasama kami. Ang TF ko since Klownz started until two weeks ago, when I took my leave, is the same. I don't mind this because I am an artist and I just love performing. Do the math. Hindi ako mukhang pera!"

So, hindi totoo na nag-resign siya?

"I took a leave of absence from my regular gigs in Klownz [Quezon Avenue] two weeks ago. I am a pioneer primetime artist in Klownz and never akong nag-leave ever since, unless I have shows out of the country."

Bakit kailangan niyang mag-file ng leave?

"I will be very busy shooting Shake, Rattle, and Roll 9 intended for the MMFF [Metro Manila Film Festival] this December. I will part of the 'Christmas Tree' episode, which is to be directed by Paul Daza."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "I am also scheduled to direct the second major production of Teatro Tomasino this December as we celebrate our 30th year. Eto pa, I am also considering an offer to do another digital movie [his third, after Duda, Bath House, and Lambanog].

"Also 'pag December, quota ako sa mga hosting ng Christmas party ng mga companies and offices. And siyempre, nandiyan din ang Showbiz Central every Sunday. So sa schedule na 'yan, I thought kailangan ko munang ipahinga ang mga schedules ko sa Klownz. Tinanggap naman ng Klownz and I promised them to be back on January 2008," ang litanya ng stand-up comedian.

Hindi kaya may kinalaman ang text message na ito sa "role-grabbing" issue na namamagitan kina Chokoleit at Allan K?

Matatandaang isang artikulo ang inilabas ng PEP noong September 14 na ang pinag-ugatan ay isa ring text message mula sa isang anonymous sender:

"Uy, pinatanggal daw ni Allan K si Chokoleitsa pelikulang Pasukob ng OctoArts. Si Choko dapat yung best friend niAi-Ai [delas Alas] pero pinakiusapan ni Allan K si Ai-Ai na siya na lang.Ginawang friend na lang ni Rufa Mae si Choko pero kay Sweet [John Lapus] namanibinigay. Pinagtulungan ni Allan at Sweet si Choko. Wawa naman."

Isang paglilinaw tungkol sa pagkakasangkot niya sa naturang isyu ang binigay ni Sweet. Aniya, "Ang role na best friend ni Ai-Ai sa Pasukob was originally intended for me. Ginagawa pa lang ang script akin na 'yon, tumawag na din ang OctoArts sa Star Magic for my schedule. As a matter of fact, napag-usapan na namin ni Ai-Ai ang role when we saw each other one time in Klownz.

"Before the storycon of the movie kinausap ako ni Direk Wenn sa shooting ng Apat Dapat and he told me na nakiusap si Boss Orly sa kanya na kung puwede huwag na lang daw ako ang sidekick ni Ai-Ai dahil ako na daw sa Ang Cute ng Ina Mo. Box-office daw ang pelikula at kakapalabas lang. Ako naman din daw ang sidekick ni Rufa Mae sa Apat Dapat na one month lang ang pagitan ng showing sa Pasukob.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Nag-agree ako kay direk Wenn and he promised me a cameo role instead. Later ko na lang nalaman na si Chokoleit pala dapat ang ipapalit sa akin pero napunta din kay Allan K. So imposible akong mang-agaw ng role dahil akin nga 'yon dapat. Wala na akong pakialam kung kanino napunta. It's the producer's decision so I have to respect it. Happy nga ako at sa kaibigan ko napunta."

Bilang pagtatapos, sinabi pa ni John na sa kabila ng isyung namamagitan kina Allan at Chokoleit, nananatili siyang kaibigan sa dalawa.

"Mga kaibigan ko si Allan K at Chokoleit at wala kaming personal na issue or away. This is work and I am just thankful na meron. In fairness to Direk Wenn, binigyan din niya ng cameo role sa Pasukob si Chokoleit. Mine will be shot this month. That's all, thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN