Dream Big Productions turns over "Pinoy Big Brother" Season 2 housemates to Star Magic


Pinoy Big Brother Season 2 housemates (Standing, from left: Mickey Perz, Wendy Valdez, Bruce Quebral, Bodie Cruz, and Nel Rapiza. Seated, from left: Gee-Ann Abrahan and Bea Saw) will be handled by ABS-CBN's talent arm, Star Magic, starting October 16. The 13 housemates were previously handled by Dream Big Productions.



Napag-alaman ng PEP na may bagong talents na papasok sa Star Magic ng ABS-CBN. Last September 23 ang launching ng Star Magic Catalogue 2008 sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City at may 194 talents na pala sila.

Starting October 16, lilipat na mula sa Dream Big Productions (DBP) papuntang Star Magic ang 13 ex-housemates ng Pinoy Big Brother Season 2 na sina Bea Saw, Mickey Perz, Wendy Valdez, Gee-Ann Abrahan, Bodie Cruz, Bruce Quebral, Nel Rapiz, Saicy Aguila, Robert Wood, Dionne Monsanto, Kian Kazemi, Zeke Dimaguila, at Jasmin Engracia. Ang dati nilang kasama na si Maricris Dizon ay bumalik na sa Italy dahil may trabaho na raw siya doon.

Bukod sa kanila ay pipirma na rin ng kontrata sa Star Magic ang Pinoy Dream Academy graduates na sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Ronnie Liang, at Eman Abatayo.

Kinausap na ni Lauren Dyogi, Unit Head ng DBP, kahapon, October 4, ang PBB housemates at PDA graduates sa Bahay ni Kuya. Ipinaalam sa kanila ang pagte-turnover sa kanila sa pamamahala ng Star Magic simula sa October 16.

In fairness sa Dream Big Productions, ilang beses na ring nagkaroon ng concert series here and abroad ang mga PDA scholars at nagkaroon na rin ng provincial tours ang mga PBB 2 housemates.

Si Dionne ay nagsimula nang mag-taping ng Super Inggo 1.5 at nag-shooting na siya ng first movie niya with Aga Muhlach and Anne Curtis under the direction of Joey Reyes.

Si Saicy ay nagte-taping na rin ng Lastikman at regular na siyang napapanood sa ASAP '07 with Mickey as her dancing partner. Wild card din si Saicy at ang kanyang dance partner sa U Can Dance.

Si Bodie Cruz ay hataw sa mga shows ng Sun Invasion (Sun cellphone) sa iba't ibang panig ng bansa. May show rin siya sa October 12 sa Metro Bar, kasama ang mga bandang Cueshe and IAXE. First time niyang magso-show sa Camden Hall, London, sa November 11, kasama ang amang si Tirso Cruz III at si Geneva Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Bea at Robert naman ay tapos nang mag-shooting ng first movie nila, kung saan bida sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, under Cathy Molina-Garcia.

May special participation din sina Robert, Bodie, at Nel sa OctoArts Films Pasukob, starring Ai-Ai delas Alas at Rufa Mae Quinto.

Si Kian ay katambal ni Rufa Mae sa Apat Dapat, Dapat Apat ng Viva Films na showing na sa Wednesday, October 10.

Naging bida na rin sina Wendy at Bruce sa short-lived soap opera na Margarita. The latest we heard, si Wendy raw ang napiling katambal ni Jake Cuenca sa Sine Serye ng ABS-CBN na Palos.

As to the question kung maryoon pa ring Dream Big Productions, tuloy pa rin daw ito. Sa katunayan, sila ang magha-handle sa magiging housemates ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2na magsisimula na sa October 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN