Rufa Mae Quinto not vying for Kris Aquino's crown as "Game Show Queen"


"Wala akong plano na makipag-agawan sa title na 'Game Show Queen.' As far as I know, kay Kris lang ‘yon," says Rufa Mae Quinto (left) about competition with Kris Aquino (right).



Walang balak makipag-kumpitensya ni Rufa Mae Quinto sa titulong "Game Show Queen" sa pagkakaroon niya ng bagong show sa GMA-7—Whammy! Push Your Luck, na magsisimula sa October 8, bago ang 24 Oras.



Ayon kay Rufa Mae, hindi siya makikipag-agawan ng titulo kay Kris Aquino bagama't magkasabay ang show nila ni Paolo Bediones at ang Kapamilya Deal Or No Deal ni Kris sa ABS-CBN. Hindi raw nila alam ni Paolo na magkatapat ang dalawang game show.



"Wala akong plano na makipag-agawan sa title na Game Show Queen. As far as I know, kay Kris lang ‘yon. Kaibigan ko si Kris at hindi dahil sa title na ‘yan magsisimula ang away namin. Kahit na wala na kaming communication, I still consider her my friend," mariing sabi ni Rufa Mae sa presscon ng Whammy sa Oasis Gallery, Aurora Blvd, Q.C. last October 2.

Ikinuwento rin ni Rufa Mae na madalas silang lumabas ni Kris noon. Parati raw siyang tinatawagan nito para mag-bonding sila. Business manager kasi ni Rufa Mae ang close friend ni Kris na si Boy Abunda.



Pero natigil 'yon nang maging busy na silang dalawa. Ngayon ay ‘di na raw niya alam ang bagong contact number ni Kris.



"Nakaka-miss din si Kris, lalo na ang mga kuwento niya. Pareho kasi kaming madaldal!" sabay tawa ni Rufa Mae. "Sana one day ay lumabas ulit kami. Hindi sana maging hadlang ang game shows namin na magkatapat ng oras."



Pangatlong game show ni Rufa Mae ang Whammy. Hindi na raw niya maalala ang dalawa pang game shows na naging host siya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN