Cristine Reyes rejects rumor about romantic link with Dennis Trillo


CristineReyes refuses to comment on rumors linking her to Dennis Trillo but she doesdescribe the matinee idol as someone who can be considered a good boy.


May ilang buwan na ring umuugong ang balitangmay namamagitan kina Cristine Reyes at Dennis Trillo. Pero ni minsan ay walang narinig na paglilinaw mula sadalawa.

Tahimik lang siDennis tungkol sa issue samantalang si Cristine naman, todo-tanggi dito.

Nagkataon pa nalumutang ang tsismis na nag-uugnay sa dalawa sa kasagsagan ng pag-amin niDennis na siya nga ang ama ng anak ni Carlene Aguilar.

"Reaction ko dunsiguro kasi hindi naman ako dapat mag-comment about that. Ayoko na rin kasingmakisama pa, makidagdag pa sa issue ni Dennis and ayoko nang magkaro'n ng issue abouthim kasi may problema siya ngayong pinagdadaanan or kung anuman yan, ‘wag natayong makisali diyan...Sorry blessing pala [ang pagbubuntis ni Carlene]....," mariing sinabi ni Cristine.

Duda ng dalaga,nagkaroon ng ideya ang mga tao na pagdikitin sila ng matinee idol dahil malapitna nilang simulan ang isang pelikulang pagtatambalan nila. Ang kanyang Ate Ara Mina pa raw ang prodyuser nito.

"Wala namangmasama dun dahil mabait naman si Dennis, hindi mahirap katrabaho, tahimik lang,mukhang good boy naman," sabi ng nakababatang kapatid ni Ara Mina.

Bilang producerng nasabing pelikula, malugod namang tinanggap ni Ara ang balitang ito.

"Well, maganda ‘yan kasi baka magsama-samakaming tatlo next year sa isang movie. Wala naman ako masasabi, basta kung saansiya masaya, masaya ako for her," sabi ng sexy actress-producer.

Dagdag pa ng Ate ni Cristine, hands off na rinsiya sa personal life ng kapatid. "Hindi na katulad dati na pakialamerang Ate and I think ‘pag mas lalo mong hinihigpitan mas lalong nagrerebelde, andhindi na ako katulad before na overprotective so ‘pag me problema siya tatawagsiya sa akin," aniya.

Ayon pa kay Ara, hindi naman daw masamang choicebilang karelasyon si Dennis kung nagkataon.

"Okay naman mabait naman si Dennis and I'm proudof him na inamin niya yung anak niya. Kumbaga magandang pangitain yun kasi yung iba nagdedeny, di ba? So hindiniya tinatakbuhan yung responsibility niya bilang tatay," pagwawakas niAra.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN