Katrina Halili will keep in Friendster touch with PEPster date


Katrina Halili gave her Friendster email address to lucky PEPster Alan Guerrero (not in photo) after their pleasant dinner date last Wednesday, October 3.



Wala pa ring halos pahinga si Katrina Halili dahil sa dami ng trabaho niya ngayon. Bukod sa Marimar where she plays Angelica, may pelikula rin siya sa darating na 2007 Metro Manila Film Festival, ang Shake Rattle & Roll 9 ng Regal Entertainment, kung saan siya ang title role ng isa sa trilogy for this year na "Engkanto."

In between these two projects, nakukuha niya pang mag-guesting, tulad sa Magpakailanman na ipalalabas this Thursday, October 11.

Kaya nga natuwa rin siya sa break of schedule niya with her date with the lucky PEPster na si Alan Guerrero last Wednesday, October 3, sa The Fort, Taguig. Matagal-tagal na raw siyang hindi nagdi-date.

Noong wala nang kamerang nakatutok sa kanila, nakapag-usap naman daw sila ng mga personal lives nila.

"Nagtanong siya kung ano ang buhay ko, nagkuwento ako. Ako rin nagtanong sa kanya. Mabait siya," kuwento ni Katrina sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng Magpakailanman last Saturday night, October 6, sa Marikina.

Tinanong namin kay Katrina kung hiningi ni Alan ang cell number niya. Hindi niya raw ito ibinigay.

"Friendster [email address] lang. Ayokong i-give [ang number ko], Friendster lang muna. Babae na ako ngayon!" nahihiya ngunit nakatawang sagot ni Katrina.

Wala kasi sa kanyang priorities ang pagkakaroon ng boyfriend, paliwanag ni Katrina.

"Tama na 'yon, tapos na 'yon, ayoko na... Bitter?" dagdag ng young sexy actress sabay tawa.

Promise ni Katrina, bubuksan niya agad ang Friendster account niya kapag nagka-break ulit siya sa work. Mahigit dalawang buwan na raw siyang hindi nakakapag-Internet.

"Okay lang na sa Friendster muna kami ni Alan mag-usap. Friends naman kami, e, so Friendster muna!" Tawa nang tawa si Katrina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN