Iya Villania talks about kissing scene with Vhong Navarro in "Lastikman"


Iya Villania tells PEP that Vhong Navarro, her leading man in Lastikman, asked her boyfriend Drew Arellano about his honest feeling before shooting their kissing scene. "We appreciate Vhong's kind gesture. Sa magkakaibigan, dapat talagangopen sa ganitong mga bagay ang lahat dahil bahagi man ito ng trabaho,may kahalong personal pa rin 'yon, aminin man o hindi," says Iya.



Usap-usapan ang kissing scene nina Vhong Navarro at Iya Villania sa ABS-CBN fantaserye na Lastikman. Pang-TV man ito, dahil first time ni Iya na magkakaroon ng ganitong eksena, at sa isa sa closest friend pa ng boyfriend niyang si Drew Arellano, natural na lilikha ito ng mga intriga.



Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Iya taping ng U Can Dance noong Sabado, October 6, sa ABS-CBN compound. Kinumpirma ng young TV host-actress na nag-usap nang masinsinan sina Drew at Vhong tungkol sa kissing scene.



"Para sa akin naman, walang dapat pag-usapan dahil trabaho 'yon, e," sabi ni Iya. "Para sa amin ni Drew, hindi big deal 'yon. Trabaho na namin 'yon at kanya-kanya kaming career kung tutuusin.



"But Vhong is a gentleman, and since close siya kay Drew, gusto lang niyang malaman ang honest feeling ni Drew tungkol sa kissing scene. Sabi nga ni Drew, okay lang.



"Pero, sabi ni Vhong, hindi basta okay 'yon. Paano kung girlfriend naman daw niya, let's say si Desiree del Valle, magkaroon ng kissing scene with Drew? Ano rin ba ang mararamdaman ni Drew?



"Doon na-realize ni Drew yung point ni Vhong. We appreciate Vhong's kind gesture. Sa magkakaibigan, dapat talagang open sa ganitong mga bagay ang lahat dahil bahagi man ito ng trabaho, may kahalong personal pa rin 'yon, aminin man o hindi," nangingiting kuwento ni Iya.



U CAN DANCE. Patapos na ang second season ng U Can Dance at nalulungkot si Iya, although very positive ang dating sa kanya ng pagkakaroon nito ng version 3.



"Kasi ipinagpalit ko ang Wowowee sa pagkakaron ng ganitong klaseng show, na naiiba naman para sa akin, na maglalabas ng ibang klaseng talent ko as a dancer, na nagho-host din. True enough, I was able to prove my worth in this department," pahayag ni Iya.



Hindi naman nawawalan ng trabaho si Iya dahil dependable siya. Aside from Lastikman, she's still in ASAP ‘07 and MYX. Kasama rin siya sa Ask Girls ng Studio 23. In other words, hindi siya pinababayaan ng ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



LOVE ON THE SIDE. She can still afford to have love on the side. Pero ang pinakagrabeng intriga siguro ay yung tungkol sa pag-amin ni Ethel Booba na nagkaroon sila ng one-night stand ni Drew.



"Hindi man lang ako na-shock. Not at all," sabi ni Iya. "Aside from being so secure and confident about the relationship, my instincts told me that everything is a lie.



"I trust Drew so much. Nagsasabi naman kasi sa akin 'yan ng mga bagay, na hindi ko nga inisip, puwede niyang sabihin sa akin. 'Yan pa kayang tungkol sa ganyan, kung totoo nga? Three years na ang relasyon namin ni Drew. Hindi lang yung ganyang bagay ang makakasira sa pagkakakilala namin sa isa't isa."



Kahit minsan daw, hindi nabawasan ang tiwala niya kay Drew dahil lang sa kontrobersiyang 'yon na nagmula sa radio show ni Mo Twister.



"Hindi perfect ang relationship namin," pag-amin ni Iya. "May downs, pero we see to it we can be up again. Ganoon lang. Ayaw namin masyadong pinalalaki ang maliliit na bagay.

"Pero never kaming nag-cool off man lang. Kung may problema, we chose to keep it private. Napapag-usapan 'yan nang kami lang at hindi na kailangang makialam pa ang ibang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN