JC Cuadrado shifts from TV hosting to poster boy


"When I joined The Studs, I knew that it would be a new image for me and hindi siya madaling ma-handle. Nag-adjust din ako kasi iba na itong gagawin ko. I was used to just hosting before. Ngayon kanta, sayaw, at pag-e-entertertain ng mga fans ang ginagawa namin," says JC Cuadrado about going daring.



Walang kaso para sa TV host na si JC Cuadrado ang matawag siyang Poster Boy dahil sa sexy poses na ginawa niya kasama ang iba pang miyembro ng Studs sa 2008 Calendar ng X-Ray magazine. Ibang image naman daw kasi ang ipapakita niya for next year. At least daw, handa na ang mga tao sa kanyang new and daring image.



Noong mag-decide daw kasi si JC na sumabak sa ganitong klaseng image, hindi na siya nagdalawang-isip. Hindi na naman daw kasi siya bumabata at pakiramdam niya ay mas dumami pa ang nakakilala sa kanya kesa noon.



"When I joined The Studs, I knew that it would be a new image for me and hindi siya madaling ma-handle. Nag-adjust din ako kasi iba na itong gagawin ko. I was used to just hosting before. Ngayon kanta, sayaw, at pag-e-entertertain ng mga fans ang ginagawa namin.



"Mas naging malapit ako sa publiko ngayon and nakikita naman nila na I am reaching out to them. Noon kasi akala nila ay hindi ako puwedeng lapitan or makausap. Ngayon, nakikita na nila kung sino talaga ako. People person ako, e. I enjoy being with lots of people all the time," pahayag ni JC sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Pero aminado si JC, na dating talent ng ABS-CBN, na medyo kinabahan daw siya habang ginagawa niya ang kanyang sexy pictorial. Hindi naman daw kasi kasing-ganda ang katawan niya tulad ng mga kasamahan niya sa The Studs, like Mike Tan or Dion Ignacio. Sa kabila nito, kinarir din daw niya ang pagpapaganda ng katawan niya.



"Workout, diet, at nagpaitim ako ng konti. But my body isn't as good tulad ng kina Mike and Dion. Sila kasi mas daring talaga ang poses nila. I can't pose tulad ng ginawa nila. I wouldn't be able to do justice to it!" sabay tawa ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Tama na sa akin na half-naked at naka-jeans. Mas tama lang sa akin. I still have to work hard to achieve a very good body."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN