Alessandra de Rossi gives no hope to suitors


Alessandra de Rossi plays a ghost for the first time in her new movie, Hide and Seek, under Regal Entertainment. "In fairness, madali ang role ko kasi pa-emote-emote lang ako!" she says about her role.



For the first time ay gaganap bilang isang multo ang young actress na si Alessandra de Rossi sa pelikulang Hide and Seek ng Regal Entertainment. Madalas raw kasi ay siya ang nabibiktima sa mga horror-suspense thrillers, tulad ng mga ginawa niya sa mga pelikulang Spirit of the Glass, Kutob, at The Maid, isang horror film na ginawa niya sa Singapore.



Ayon kay Alex, pinakamadali raw ang papel niya sa Hide and Seek na idinirek ni Rahyan Carlos.



"In fairness, madali ang role ko kasi pa-emote-emote lang ako!" tawa ni Alex sa presscon ng Hide and Seek. "Tapos hindi ako madalas magsalita. Puro mga facial expressions lang. Pero may silbi naman ang papel ko sa movie. Kailangan panoorin nila para malaman nila kung bakit ako madalas mag-emote sa movie."



Ang mahirap lang daw sa kanyang role ay ang paglagay ng prosthetics. Kalahati raw kasi ng mukha ni Alex ay nilagyan ng prosthetics na mainit at makati raw sa kanyang balat.



"First time ko rin kasing malagyan ng prosthetics kaya hindi pa sanay ang balat ko. Pero noong magtagal-tagal na ay nasanay din ang balat ko. Pareho kami ni Valeen [Montenegro] na may prosthetics sa mukha rito. Pero in fairness, kahit pinapangit kami, ang ganda pa rin naming dalawa!" sabay tawa nito sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Nang tanungin naman si Alex tungkol sa kanyang lovelife, "zero balance" ang sagot niya. Wala raw kasi siyang time na mag-entertain ng mga manliligaw dahil puno ang schedules niya. Lalo pa ngayon na kasama pa siya sa Sine Novela ng GMA-7 na Pasan Ko ang Daigdig.



"Kung suitors, meron naman talaga pero wala akong time sa kanila. Bahala silang magtiyaga, di ba? Basta ako, wala akong binibigyan ng pag-asa. Work lang ako nang work para yumaman ako nang husto!" tawa niya ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Totoo bang kinukulit na naman siya ng kanyang ex-boyfriend na si Jeremy Marquez na makipagbalikan? Ayon sa balita, panay raw ang padala nito ng text message sa kanya, pero hindi naman daw ito sinasagot ni Alex.



"Well, hindi ko iku-confirm ‘yan. Kung ano ang paniwala n'yo sa chika na ‘yan, e, kayo na ang bahala. Basta, walang nanggaling sa akin. Like what I said, ayokong magbigay ng pag-asa," medyo bitin na pahayag ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN