Derek Ramsey explains Angelica Panganiban's sudden exit from "Ysabella"


"Yung role naman ni Angelica sa Ysabella is that...she wasreally just a guest and she's not naman really a main character," explains Derek Ramsey about the pull-out of Angelica Panganiban's character in Ysabella.



Last Saturday, October 6, sa pre-final week ng U Can Dance Ver. 2 ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa mga host ng show na si Derek Ramsay. Natatawa nga ito at nagbibirong sa final week daw nila, next Saturday, October 14, mapapanood na naman siyang sumayaw, along with his co-host Iya Villania.

Dinadaan na lang ni Derek sa biro na sa gagawin niyang pagsasayaw sa final episode ay malamang daw na wala pang 30 minutes ang gagawin niyang pagre-rehearse. Pero sabay-bawi na sinabing siguro ilang araw ang kailangan niya for rehearsal dahil aminado siyang pinag-aaralan pa rin niya ang dancing.

Samantala, tinanong na rin ng PEP si Derek tungkol sa biglaang pagkawala ng kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban sa primetime series na Ysabella, na pinagbibidahan ni Judy Ann Santos.

"Yung role naman ni Angelica sa Ysabella is that...she was really just a guest and she's not naman really a main character," paglilinaw ng sexy model-actor. "Her character came in... Sabi nga, ang dami ngang nag-react. But I always tell her na kung nakuha mo ang reaction na ‘yon, yun naman talaga ang description ng character mo.

"At kung nagre-react man sila, it means you did your job very well. So, ‘yon. Her character was just supposed to come in... Ako kasi, aalis talaga ako ng seven weeks, so ginawan nila ng side story para may maisingit sila every now and then," paliwanag ni Derek.

Ano naman ang naging reaction ni Angelica sa pangyayari? Sa pagkawala niya kasi sa Ysabella, may mga lumalabas na usap-usapan na dahil daw ito sa protesta ng ilang mga viewers or fans na hindi nagustuhan ang pagpasok ng character ng young actress sa soap.

"With her head held high," mabilis na sagot ni Derek. "Actually, it was even her who first admitted na maganda ang chemistry namin ni Judy Ann, that of Mitos and Ysabella. Pero hanggang doon lang ‘yon, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But Judy Ann and I, we're good friends outside of work. Sa trabaho, siguro nagre-reflect dahil magkaibigan kami at madali kaming magkatrabaho. So, si Angel, she's the person to admit na maganda ang chemistry namin.

"Hindi naman siya naapektuhan kasi marami rin naman ang nagsasabi na mas maganda ang ginawa niya," patuloy ni Angelica. "Marami rin ang nagsasabi na ang cute namin doon, may nagsasabi rin na mas cute sina Mitos at Isay, so iba-iba talaga. Wala naman talagang everybody will say na okay sa isang bagay lahat."

Dagdag pa ni Derek, hindi niya iniisip na kaya may mga protesta sa pagpasok ni Angelica sa Ysabella ay dahil hindi sila tanggap ng mga tao bilang magkasintahan.

"I don't think so," sabi ng model-actor. "Ayaw nila yung role niya. Kasi ang ganda na nga ng istorya na na-develop between Mitos and Isay, and the people really got attached to the Mitos and Isay story and that's why the people are reacting.

"Which is good dahil ibig sabihin, lahat na kaming artista really did our job very well. Kasi ‘yon naman talaga ang aim. Dapat kasi, maiinis sa akin ang mga tao, antipatiko, sosyal...so that's what happened at first, I got feedback na naiinis sila sa character ko. Pero nang magka-love story na and saw the other side of Mitos, doon naman sila na-fall in love sa Mitos-Isay tandem," pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN