ABS-CBN plans to replay KC Concepcion's TV special


If plans push through, KC Concepcion's TV special, KC From Paris to Pinas, may be shown again on ABS-CBN. This time, it would get an earlier timeslot so that more people can watch it.



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang TV special ni KC Concepcion na KC From Paris to Pinas ay magkakaroon ng replay.

Kung wala raw mababago sa plano, malamang na i-replay ang ginawang special ni KC sa ABS-CBN na ipinalabas noong September 23. Pero sa replay nito, nagdesisyon daw ang management ng ABS-CBN na ipalabas ito in an earlier timeslot para mas marami pa ang makapanood. Malamang ay weekend pa rin daw ito ire-replay, pero sa afternoon timeslot na.

Hindi naman kaila na during KC's special, nandoon ang pahiwatig nito na abangan na lang siya dahil marami pang pagkakataon na mapapanood at makakasama siya ng televiewers.

Sa nakuhang impormasyon ng PEP, tila may niluluto nga raw na TV show ang ABS-CBN para sa anak ni Sharon Cuneta. Ang show na ito ay hindi rin nalalayo sa ginawang TV special ni KC.

Personally ay type daw talaga ni KC na kung may show man siyang gagawin, yung tipong travel show na makapagbibigay siya ng impormasyon sa mga manonood.

Ayon pa sa source ng PEP, wala raw planong isabak si KC sa mga soap opera kung sakali dahil iba naman ang personalidad ng dalaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN