Aga Muhlach and wife Charlene Gonzalez bond through wakeboarding


"Before, I would always ask kung bakit niya gusto ang wakeboarding.What is it in wakeboarding that interests my husband? Kaya sinubukan korin and nakaka-enjoy pala talaga," says Charlene Gonzalez-Muhlach (in photo, with husband Aga Muhlach) about getting hooked on wakeboarding.MORE PICTURES.



Pagkalipas ng mahabang panahon ay humarap muli nang magkasama sa entertainment press ang isa sa pinakasikat couple sa showbiz na sina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach. Ito ay para sa presscon ng 1st Aga Muhlach National Wakeboarding Cup kahapon, October 8, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



Ayon nga sa manager ng dalawa na si Manay Ethel Ramos, ngayon lang daw ulit umupo sa presidential table ang mag-asawa after a long time. Huli silang nagsama sa harap ng media noong may pinu-promote silang commercial. Maliliit pa noon ang kanilang kambal na sina Andres at Atasha.



Gaganapin ang 1st Aga Muhlach National Wakeboarding Cup sa October 20, sa Lago de Oro sa Calatagan, Batangas. Ayon kay Aga, ang favorite sport niya ngayon ay wakeboarding at four months na siyang nag-e-enjoy sa water sport na ito.



"Everyone knows na love ko ang mga water sports, ever since," sabi ni Aga. "I love the beach and everything that goes with it. I discovered wakeboarding nitong nakaraang June lang because of a friend. Before, lokong-loko ako sa jet ski. Pero ngayon, wakeboarding na ang nagiging paborito ko."



Dahil nga sa hilig ni Aga sa water sports, may eksena siya habang nagwe-wakeboarding sa last movie niya, A Love Story.

NO JOKE. Kasabay ng hilig ni Aga sa wakeboarding ay ang magandang pangangatawan niya ngayon. Ayon sa aktor, kailangan daw niyang maging super fit dahil hindi biro ang mag-wakeboarding.



"Kailangang physically fit ka or else masasaktan ka talaga!" sabay tawa ni Aga. "It's true, kasi ilang beses akong sumemplang sa tubig. Masakit kapag bumagsak ka sa tubig.

"Kapag nagsisimula ka pa lang, sakit ng katawan ang aabutin mo sa wakeboarding. Pero kapag sanay ka na, matututo ka na ng mga tricks... Tulad ko, marunong na ako ng paikut-ikot sa ere. Pero hindi pa ako mahusay talaga. Sumesemplang pa rin ako madalas."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naisipan ni Aga na mag-organisa ng wakeboarding competition dahil na rin sa magandang samahan na dala ng water sport na ito. Isang magandang paraan din ito para mag-bonding ang magpapamilya at magkakaibigan.



"Gusto kasi naming i-promote ang wakeboarding dito sa Pilipinas," sabi ni Aga. "Ngayon pa lang kasi siya nagiging popular water sport and we want the Philippines to be the next wakeboarding destination ng mga tourist. Mostly kasi ang punta nila ay sa Australia and Singapore. Here, they can either go to Batangas or to CamSur [Camarines Sur].



"Gusto rin naming maging globally competitive ang mga Pinoy when it comes to this water sport. Marami na ngang mga celebrities ang nag-e-enjoy sa water sport na ito and everyone is invited to come and register for this wakeboarding competition."

HUSBAND & WIFE TEAM. Kasama rin ni Aga ang kanyang misis na si Charlene sa pagkahilig niya sa wakeboarding.



Ayon kay Charlene: "Before, I would always ask kung bakit niya gusto ang wakeboarding. What is it in wakeboarding that interests my husband? Kaya sinubukan ko rin and nakaka-enjoy pala talaga.



"At first, mahirap nga. Masakit sa katawan pero you will always try and try until you get the right balance and the right way of moving on the wakeboard. I could say na marunong na ako, pero hindi pa ako expert. There is so much that I need to learn from this sport and I'm interested in learning it more," pahayag pa ng dating beauty queen.

May mga nang-intriga tuloy kay Charlene na baka binabantayan lang daw niya si Aga kaya napilitan siyang matuto ng wakeboarding.



"May ganun ba?" malakas na tawa ni Charlene. "Kailangan ko pa ba siyang bantayan? May rason ba for me to make bantay?



"Sa totoo lang, nag-enjoy talaga ako sa wakeboarding and as they say, nakaka-addict din ito. Parang hinahanap na ng katawan mo. Kaya kami ni Aga, we bond a lot because of this sport. Lalo na ngayon that I don't have a regular show, mas nakakasama ako sa kanya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sometimes kasama namin sina Andres and Atasha. Gusto na nga nilang subukan, pero they are still too young for this sport. Enjoy na lang silang panoorin kaming dalawa."



IGI BOY. Tinanong namin si Aga kung nakakasama rin nila ang anak niya kay Janice de Belen na si Igi Boy sa pagwe-wakeboarding nilang mag-anak.



"Oo naman!" mabilis na sagot ni Aga. "Madalas kasama namin si Igi at okay naman kami, wala kaming problema. He bonds well with Andres and Atasha. Kuyang-kuya siya ng kambal.



"Sinabihan ko lang si Igi na magpapayat pa siya para mas okay ang wakeboarding niya. Medyo mataba kasi si Igi kaya concerned din ako sa health ng anak ko. Lagi ko naman siyang pinapaalahanan na to watch his weight. Huwag siyang tutulad sa akin na kung kailan umabot sa edad na ito, ngayon pa naging conscious."



Ayon naman kay Charlene, maganda rin ang relasyon niya kay Igi Boy. Nararamdaman naman ni Charlene na para na rin siyang ina ni Igi.



"Ever since naman, kami ni Igi Boy, okay naman. Never kaming nagkaroon ng problema and I want to commend Janice because Igi is such a respectful son. Napakabait ng bata and I'm sure na turo iyon ng mother niya," saad ni Charlene.



Nagkausap na ba sila ni Janice?



"Hindi pa nga, e," sagot ng misis ni Aga. "But I wanted to. I think it will not be a problem kasi wala naman akong problem with Janice, and vice-versa.



"Kahit naman noong time na parang nagkaroon ng intrigue between Aga and Janice over Igi, never naman akong nakialam because sila naman dapat ang mag-usap over their son. But sana nga, who knows na aksidente kaming magkita ni Janice, di ba? I can always talk to her naman."



ANOTHER KID. Kailan naman kaya masusundan ang kambal nina Aga at Charlene?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Matagal pa," sabi ni Aga. "We're enjoying the twins. Wala pa naman kaming plano na sundan pa sila. Years pa siguro ang bibilangin. But who knows? Mabilis lumaki ang mga bata ngayon. Baka one day, planuhin din namin. But as of now, sina Andres and Atasha muna ang focus namin."



Sabi naman ni Charlene, "Honestly, wala pa talaga. It was a surprise to us na nabigyan kami ng twins. I prayed nga to God na sana bigyan kami ni Aga ng isang boy and isang girl. God is so good to have given us both at the same time.



"For me nga, tama na ‘yon," patuloy niya. "But like what Aga said, mabilis lumaki ang mga bata. One day makikita mo na silang mga dalaga at binata na. Mami-miss namin ang mga babies. Pinaplano naman ‘yan, e. God knows kung kailan ulit kami magiging ready for a new member in the family."

Makikita ang wakeboarding stunts nina Aga at Charlene sa Gallery section.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN