Model-turned-actor John James Uy denies rumor he's courting Ara Mina


"I think maybe if I was a little bit older. Maybe if I was ready to be in a relationship, maybe, but I don't think so," replies actor and former model John James Uy when asked if he plans to court actress Ara Mina (inset).


Pasok agad sa bagong episode ng Love Spell titled "Cindy-Rella," na ngayon ay isa nang miniseries ng ABS-CBN, ang Be Bench grand finalist na si John James Uy. Makakasama ni John ang loveteam nina Kim Chiu at Gerald Anderson sa direksiyon ng nagbabalik-Kapamilya na si Direk Ruel Bayani at si Jojo Saguin.



Born and raised sa California si John, pero pabalik-balik daw siya rito sa Pilipinas. Inglesero si John tulad ng ibang Pinoy na lumaki sa Amerika, pero gustung-gusto niya raw na mag-aral ng Tagalog.

May mga nagsasabi na siya ang susunod na Sam Milby ng ABS-CBN.



"Opo, some were saying that. Of course, you know, he's [Sam] been successful. I wanna, you know, but I want to be known as John James, as another person," pahayag ni John sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).



Sa presscon ng "Cindy-Rella" kagabi, October 8, lang nakilala ni John ang nakababatang kapatid ni Polo Ravales na si Ashley Gruenberg, na makakapareha niya sa mga darating na episodes ng bagong miniseries ng ABS-CBN. Si Polo ay ex-boyfriend ng sexy star na si Ara Mina, na natsismis naman na nililigawan ngayon ni John.



"Friends lang kami ni Ara," ngiti ni John.



Paano sila nagkakilala ni Ara?

"Kasi po, yung uncle ko is into building and selling homes. She [Ara] bought her new house in Don Antonio from my Uncle Ricky [de Guzman]. Then, we became friends ever since," kuwento ng binata.

Hindi raw alam noong una ni John na artista si Ara.

"When I met her, I just thought she was friendly. I didn't know that she's a movie star. I only found out when we were going home," lahad ni John.

So, hindi totoong bigay ni Manny Pacquiao ang bagong bahay ni Ara?

"Yes, I'm a witness that she actually bought her home. She actually took out some loan just to get that house," pagpapatunay ng model turned actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naniniwala ba si John na may relasyon sina Manny at Ara?

"All I know is that Manny is married," sagot niya. "I'm not really sure what to believe with Manny and Ara. What I know is... I don't know. I think it's not true."



Kumusta naman ang relasyon nila ni Ara?



"Actually, we've been really very busy but we haven't talked since couple of weeks now. So, I hope she's doing well," sabi ng binata.



Girlfriend na ba niya si Ara?



"Hindi po!" mabilis niyang tanggi. "I'm single and I wanna go out and explore. I don't want in get into a relationship. I just started. I'm kinda young, so I want to go around and meet a lot of people."



When was the last time nagkita sila ni Ara?

"She invited me to her house blessing... But the last time I saw her was during the Be Bench grand finals. Ah, yes. She's been really very nice to me. She's been supportive to me. She even bought a lot of vote cards to vote for me," kuwento ni John.



Special daw si Ara sa kanya, pero itinanggi niya na nililigawan niya ang aktres. Pero type ba niyang ligawan si Ara?



"No," diretso niyang sagot. "I think maybe if I was a little bit older. Maybe if I was ready to be in a relationship, maybe, but I don't think so."

Nag-blush naman si John nang itabi na namin si Ashley sa kanya after the presscon. Doon lang din niya nalaman na kapatid ni Polo si Ashley at naging ex-boyfriend ni Ara ang sexy actor.



"I know him [Polo], but I've never met him," sabi ni John.



What about Ashley? Gusto ba niyang maging special friend ang sister ni Polo?



"Of course! I think she's really nice," nakangiting sagot ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN