Gerald Anderson shocked by Snooky Serna's "plastic" and "ham actor" comment


Actress Snooky Serna was quoted as calling Gerald Anderson a "ham actor" and "plastic" when she guested on DJ Mo Twister's (not in photo) radio program. The young actor was shocked when he learned about Snooky's comment.



Halata ang pagkagulat ng young actor na si Gerald Anderson nang maitanong sa kanya sa presscon ng bago nilang show ni Kim Chiu, ang Love Spell Presents "Cindy-rella", kagabi, October 8, ang tungkol sa negative comment ng aktres na si Snooky Serna sa kanya.

Ayon kay Snooky, "ham actor" at "plastic" si Gerald. Sinabi ito ng aktres nang sumalang siya sa "Forbidden Questions" segment ng radio program ni DJ Mo Twister na Good Times noong September 26. Kagabi lang daw talaga narinig at nalaman ni Gerald na may ganoon palang impression sa kanya ang aktres.

Tinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald kung ano ang masasabi niya sa impression sa kanya ni Snooky.

"E, kayo po, ano po ang napi-feel n'yo roon?" balik-tanong niya sa amin. "Actually po kasi, nasa state of shock pa ako dahil ngayon ko lang po talaga nalaman. Yung nangyari po sa amin ni Direk Bobot [Mortiz] noon, tapos nalaman din po natin, hindi totoo."

Matatandaang nagkaroon din ng isyu si Gerald sa direktor niya dati sa Gokada Go! na si Edgar Mortiz. Nakarating mismo kay Direk Bobot na nagsalita diumano si Gerald ng hindi maganda sa kanya habang nagti-taping ng show nila. Diumano, nag-complain si Gerald na ang bagal-bagal niyang magdirek. Sabi pa raw ng matinee idol na simpleng eksena lang daw ay napakatagal kunan.

Humingi na ng paumanhin si Gerald dahil sa naturang insidente, na ayon sa young actor ay na-misinterpret lang siya ng mga nakarinig sa kanya.

Patuloy ni Gerald, "Ito nga po ang iniiwasan ko. Hindi ko po talaga alam kung paano nangyari ito. Wala po talaga kong alam. Ito po ang reaction ko...state of shock po talaga!"

Kilala ba ni Gerald si Snooky?

"Opo naman!" mabilis niyang tugon. "Loveteam po ni Tito Albert Martinez . Pero wala po...never pa po kaming nagkasama. Hindi pa po talaga kami nagkasama sa trabaho or nagkasama sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa rin po talaga yung time na napakilala po ako... Kasi, bakit naman po ako ganoon? Kung ipinakilala po sa akin? Grabe, sino naman po ako para mag-ganun?" Napapailing si Gerald.

STILL IN SHOCK. Iniiwasan nga raw ni Gerald na maintriga pa siya ng pangde-deadma o may attitude problema siya. Ilang write-ups na kasi ang nilinaw niya simula pa sa isyu sa kanila noon ni Direk Edgar hanggang sa isang entertainment writer na hindi niya raw nabati. Kaya ngayon, halatang upset si Gerald na may nagbibigay na naman ng negative comment sa kanya.

"Ngayon po, ang dami ko na rin pong natutunan sa showbiz... Ganun po talaga. Hindi lahat magiging masaya sa ‘yo. Wow! Alam n'yo yung feeling na ganoon...pinaka-iiwas-iwasan n'yo na nga po, tapos...," tila hindi pa rin makapaniwalang sabi ng young actor.

Ano kaya ang posibleng maging reaction or gawin niya kung sakaling makasalubong niya si Snooky?

"To be honest, hindi po talaga...wala po talagang chance na ipinakilala kami or yung intriga na dinaanan ko...hindi po talaga...wala po talaga... At saka, kung makikita ko naman po, makikilala ko naman po na si Snooky Serna po talaga siya. At saka napanood ko pa po siya sa Sharon kagabi.

"Hindi ko po talaga alam kung ano ang gagawin ko. Kung magso-sorry man ako, sana lang po may kasama po siya para kahit paano, ipapakilala kami. Or kung nandoon po siya, siguro po ako na ang mag-a-approach. Pero siguro, hindi po yung basta ibebeso ko siya. Iyon po ang plastik," paliwanag ni Gerald.

Dugtong pa niya, "Siguro po, hindi na lang po ako magse-shade, kahit nasa loob ng ABS-CBN. Kasi po, siyempre, minsan galing sa taping, puyat po... Hindi na rin ako magu-sumbrero. Hindi na!" naiiling niyang sabi.

Pero iginiit ni Gerald na hindi siya plastik o mapang-deadmang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako po, kilala ko po ang sarili ko," diin niya. "Alam ko naman po na hindi ako ganoon. Alam ko na hindi ako plastik. Kung makita n'yo ako na galit ako, makikita n'yo kasi mahirap itago ‘yan. Siguro po, mas plastik yung ibebeso ko ang isang tao kahit hindi ko kilala, siguro ‘yon naman po ang plastik."

Sinagot din ni Gerald ang komento ni Snooky na "ham actor" siya.

"Well, ano po ang masasabi ko doon? Kung ‘yon po ang tingin niya sa akin, wala naman po akong magagawa," sabi niya.

Na-challenge ba siya na pagbutihin ang kanyang pag-arte dahil sa sinabi ng dating child actress?

"Lahat naman po ng mga projects namin, natsa-challenge ako. Gagawin ko na lang po ang lahat ng makakaya ko para sure."

Sa kabila ng negatibong palagay sa kanya ni Snooky, wala raw problema sa kanya kung dumating man ang panahon na magkasama sila sa isang project. He's still willing to work with Snooky.

"Naman! Naman po! Bakit naman hindi? Pero yun nga po, ngayon ko lang nalaman ito, sorry po," halatang shock pa rin niyang sabi.

ABS-CBN PRINCE. Sa Love Spell ay dalawang katauhan ang ginagampanan ni Gerald; ang isa rito ay bilang isang prinsipe. Masasabi niya bang sa bakuran naman ng ABS-CBN ay isa rin siya sa maituturing na prinsipe?

"Marami pa akong dapat gawin, marami pa kong dapat pasayahin na mga tao. Kasi, sa mga sinasabi n'yo, marami pang ayaw sa akin. Actually, it has nothing to do with other actors kundi sa sarili ko po, marami pa rin po akong dapat gawin," sagot ng young actor.

Halatang nasa isipan pa rin ni Gerald ang pagkabigla sa narinig na puna ni Snooky, na ayon nga sa binata ay never pa niyang na-meet. Kaya nang tanungin siya ng PEP kung ano pa kaya sa tingin niya ang dapat niyang gawin, may pagkabahala pa rin ang tugon niya:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Salamin? Naku po...kasi alam n'yo po yung feeling na ito ang iniiwasan mo, pagkatapos... Pero ganoon po talaga. Tanggap ko. Ako na lang po talaga ang mag-a-adjust," naguguluhang sabi niya.

Magkaganuman, very humble pa rin nga si Gerald sa pagsasabin, "Ako po kasi, alam ko lang po na marami akong ginawang project at sana marami pa. Hindi pa po ako isang Piolo Pascual, Sam Milby... Yung mga ganun, malayo pa. Marami pa akong dapat gawin para umabot sa ganoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN