Isabel Oli says Paolo Contis is the only man who truly loves her


"Hindi ko alam kung bakit love ko siya, hindi ko talaga alam, hindi ko ma-explain, pero sana siya na talaga," says Isabel Oli about boyfriend Paolo Contis.



Hindi pa raw handa si Isabel Oli na lumagay sa tahimik. Ito ay sa kabila ng katotohanang going strong ngayon ang relasyon nila ng kanyang kasintahan na si Paolo Contis.

Pero aminado si Isabel na ipinagdarasal niya na sana ay si Paolo na ang huling lalaking mamahalin niya, na sana ay ito na nga ang makatuluyan niya.

Ayon pa kay Isabel, marami silang natututunan ni Paolo sa isa't isa at inamin din ng aktres na si Paolo lamang ang nag-iisang lalaking naramdaman niyang nagmahal sa kanya nang buong katapatan.

"Naramdaman ko ‘yon, sincere siya sa lahat and hindi siya plastik, and mabait siya. Hindi ko alam kung bakit love ko siya, hindi ko talaga alam, hindi ko ma-explain, pero sana siya na talaga.

"Siyempre nakakatuwa, kasi konti na lang yung mga seryoso, e. Alam mo yung ganun? Na gusto nila talaga commitment, konti na lang yung mga lalakeng ganun," pahayag ni Isabel sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ikinatutuwa rin ni Isabel na kung ipakilala siya ni Paolo sa mga kaibigan nito ay "my future wife."

Sa natapos na soap opera ng GMA-7 na Mga Mata ni Anghelita, isang ina ang naging papel ni Isabel. Tinanong namin ang aktres kung halimbawang sa susunod niyang proyekto for GMA 7 ay nanay siya ulit, tatanggapin ba niya ulit ito?

"Oo naman, bakit hindi? Trabaho ‘yon, and isa pa, mahilig ako sa bata, I love kids!" bulalas ni Isabel.

Inamin din ni Isabel na may mga pagkakataon na napag-uusapan na nila ni Paolo ang kanilang kinabukasan bilang mga magulang. Gusto raw ni Paolo ay magkaroon sila ng dalawa hanggang tatlong anak, samantalang gusto ni Isabel ay apat; if possible, dalawang babae at dalawang lalaki.

"Parang ano lang, napapag-usapan lang namin in passing, pag wala kaming magawa, parang biruan lang. Matagal pa naman kasi bago mangyayari ‘yan, e," sabi ng magandang aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bawal pa raw kay Isabel ang mabuntis at manganak dahil sa mga product endorsements niya. Pangarap pa ni Isabel na maipagpatayo ng bahay ang kanyang mga magulang bago siya magpakasal.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN