Derek Ramsey happy with career but says Piolo and Sam way ahead


"Siguro nakikita nila na ibinibigay ko talaga ang lahat ko in eachproject that I got, whether big or small talagang ibinibigay ko angeffort ko," replies Derek Ramsey when asked about being one of the favorites of ABS-CBN.



Derek Ramsey inked a four-picture contract deal with Star Cinema last night, October 9, at the office of ABS-CBN's film arm.

Ayon sa model-actor nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) after the contract signing, walang definite na taon ang kontrata niya sa Star Cinema, pero malalaking pelikula raw ang nakalinyang gagawin niya.



Ayon kay Derek: "Exclusive na ako sa Star Cinema. I'm going to do three movies with them... Kasama ko sina John Lloyd [Cruz] and Bea [Alonzo], kami ni Judy Ann [Santos], and then kasama rin ako sa 12th of August na ang laki ng cast dun, and then kami ni Angelica. Una, three movies muna pero apat ang naka-line-up sa akin."

Kumpirmado rin na si Derek na ang kapalit ni Luis Manzano sa teleseryeng Weddings, kasama sina Anne Curtis at Zanjoe Marudo.

Sa sunud-sunod na mga projects na ginagawa ni Derek sa ABS-CBN at apat na malalaking pelikula na gagawin niya sa Star Cinema, hindi maiiwasang isipin ng iba na isa raw yata sa favorites ng Kapamilya network ang hunky actor.



"Siguro nakikita nila na ibinibigay ko talaga ang lahat ko in each project that I got, whether big or small talagang ibinibigay ko ang effort ko," rason ni Derek.

SAM & PIOLO. Halos pareho sina Derek at Sam Milby ng career path na tinatahak ngayon. Pareho kasi silang pang-leading man material at Inglesero. Pero kung namayagpag ang career ni Sam before, mukhang ngayon ay lamang at mas mainit si Derek.



"Si Sam, nandito na ‘yon," sabi ni Derek. "Marami na siyang nagawa kesa sa akin, marami na siyang nagawang movies na kumita, hit ang soap niya. I think he's an exemption. Accepted siya ng mga tao, mayroon siyang hila. Hindi ko puwedeng i-compare ang sarili ko kay Sam, wala pa 'ko dun."

Hinuhulaan din na sa ganda ng itinatakbo ng career ni Derek ay maaari niyang sundan ang mga yapak ni Piolo Pascual. Pero ayon kay Derek, malayo na ang narating ni Piolo at hindi sila puwedeng pagkumparahing dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Ayon sa kanya, "Piolo Pascual is Piolo Pascual, ma-compare lang ako sa kanya is something already. Maganda yung feeling, excited, pero ayokong i-rush. Gusto ko take one step at a time. Heto may movies nga ako na parating kailangan maganda ang performance ko dun, para maganda yung outcome ng movie at maganda rin ang outcome ng career ko.

"Ayokong mag-rush, ayokong mag-assume dun ang papunta ko. I wanna make sure one step at a time na gagawin ko ito para one day, even half of the level of Piolo, makarating ako. Okay na ako doon. Hindi ko plinano ito, but I'm very happy that it's turning out like this."

Masasabi niya kaya na malaking tulong ang naibigay sa kanya ng pagiging leading man ni Judy Ann sa Ysabella?



"Of course, I will give a lot of credit to Judy Ann," sagot ng actor. "She's a star, she could make it really difficult for me, pero hindi, e. Pag nandun kami sa harap ng kamera, pantay lang kami; pareho lang kami nandito, gumagawa ng trabaho. A big part of that, why naging successful ang pagka-deliver ko ng role ni Mito dahil kumportable akong umarte sa harapan niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN