Sheryl Cruz answers talks about romantic link with Wendell Ramos


"Wendell is only twenty-nine years old at meron akong kapatid na twenty-nine years old.Although si Wendell, he's goodlooking, model... yung ganoon. Perodyusko naman, married naman ako!" cries Sheryl Cruz about rumors linking her to Sinasamba Kita co-star Wendell Ramos.



Sinagot na rin sa wakas ni Sheryl Cruz ang matagal na ring usap-usapan na tila may na-develop daw sa pagitan nila ni Wendell Ramos habang ginagawa nila ang Sine Novela na Sinasamba Kita sa GMA-7. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang aktres sa parking lot ng ELJ Bldg. sa ABS-CBN compound pagkatapos ng presscon proper ng Love Spell Presents Cindy-rella last Tuesday, October 9.

Tinanong ng PEP si Sheryl kung ano ang reaksiyon niya na binibigyan ng ibang kulay kung anumang closeness na namagitan sa kanila ni Wendell during their taping. Kasabay pa nito ang intrigang may nakakakita raw sa kanyang dumadalaw sa taping ng Bubble Gang—kung saan isa sa mainstay si Wendell—at may dala-dalang pagkain para sa aktor.

Kalmado naman si Sheryl sa pagsagot ng isyu at natatawa na lang nga siya.

Aniya, "Alam n'yo, dyusko naman, ‘eto nga ang sinasabi ko... Hindi nila ako puwedeng tirahin sa work ethics ko dahil wala silang masasabi. Hindi rin nila ako puwedeng tirahin pagdating sa aking pakikisama dahil wala rin silang masasabi.

"So, ano ang susunod na titirahin nila sa akin? Yung personal ko? Dahil wala rito ang asawa ko, di ba? Yung ganoon... Okay, ganito ‘yan, lahat kami sa Sinasamba Kita, we're a team. We go out, lahat kami. So, ang akin, bakit nila ako palaging sini-single out?

"I'm a sweet person at very, very generous ako. Kahit tanungin pa nila yung lahat ng staff namin doon. Kung may pagkain ako, I offer it to everyone. Now, kung nakikita man nilang nabibigyan ko ng food [si Wendell], then it's because he's part of the group na ino-offer ko rin ng food," paliwanag ng aktres.

Pero ayon sa lumabas na balita, may special attention na ibinibigay si Sheryl kay Wendell. Ano ang masasabi ni Sheryl dito?

"Special attention? You give special attention when people give special attention, too. Yung ganoon. Di ba, nagkaroon ako ng injury noon at inalagaan naman niya ako? Nagbigay lang naman ako sa kanya ng chocolates noon. Ano naman ang masama sa chocolates, di ba? And we work in the same network, alangan namang mag-isnaban kami, di ba?" napapailing na pahayag ng anak ng yumaong aktor na si Ricky Belmonte at ang dating aktres na si Rosemarie Sonora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BUBBLE GANG SET. May isyu rin na nagugulat daw maging ang mga taga-Bubble Gang dahil bigla na lang daw nilang makikita sa taping si Sheryl na may dala-dalang pagkain for Wendell.

"Paano ako dadalaw sa Bubble Gang?" tanong ni Sheryl. "Wala akong ipinapadalang pagkain... Hindi ako dumadalaw sa Bubble Gang. Nag-guest ako dun, pero hindi ako dumadalaw sa Bubble Gang.

"Alam n'yo kung saan kami nagkasama noon, sa Channel 7, and we were doing promotion. Siyempre, if you're doing promotion and at the same time may mga taping sila, alangan naman na hindi ka mag-"hi," di ba?

"Tapos no'n, sinabi ko nga sa kanya [Wendell]... Sinabi ko before, kasi may party kami, birthday ni Ms. Camille [executive producer of Sinsamba Kita], hindi ko na naabutan si Valerie Concepcion. Binigyan ko ang mga co-stars ko noon ng mga little something, as in little something lang naman. Sabi ko, ‘Wen, kapag nakita mo si Val, puwede bang pakiabot mo ito sa kanya?' Tapos sabi niya, ‘Ay, ayoko nga!'

"Siguro nga, it's because of these reasons. I mean, ganoon pala ngayon... Ako naman, napakainosente ko pa rin hanggang ngayon. Pero ganoon pala sila," sabi pa ni Sheryl.

STILL MARRIED. Sheryl also stressed na hindi siya ang tipo ng babae na papatol sa iba when in fact, she's a married woman at ang lalaki pa raw na inili-link sa kanya ay halos kasing-edad lang ng younger brother niya.

"Wendell is only twenty-nine years old at meron akong kapatid na twenty-nine years old. Although si Wendell, he's goodlooking, model... yung ganoon. Pero dyusko naman, married naman ako! At saka, I just don't get it na pagdating sa personal lives ng mga tao, they really don't want to leave them alone.

"Siguro kasi hot ako at saka hot siya kaya ganun. Pero ako naman, siyempre, natutuwa na rin ako na nili-link nila ko sa guwapo. Pero dyusko naman!" natatawang sabi ng 33-year-old actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento rin ni Sheryl, kahit nasa ibang bansa ang asawa niya na si Norman Bustos, aware daw ito sa lahat ng nangyayari sa kanya. May time pa nga raw na noong huling bakasyon niya sa San Francisco, ipinakita niya kay Norman ang mga pictures niya at binibiro rin daw siya ng asawa kay Wendell.

"Actually, nakita niya yung mga pictures namin, yung sa wrap-up party namin at sa birthday ni Ms. Camille. So it's his trip na niloloko niya ako. He was like, ‘You and your co-star ha, you're so sweet!' So, alam n'yo ‘yon?" natatawa niyang kuwento.

"Well, it's because he's [Wendell] likeable naman," patuloy ni Sheryl. "May time na suplado, may time na sweet. Kung puwede ko lang sabihin sa aking asawa na suplado pa nga na madalas ‘yan, masungit. Pero alam n'yo, kailangan ko siyang pakisamahan lalo na sa role namin doon [Sinasamba Kita], mag-asawa kami."

Tinanong din ng PEP si Sheryl kung adjusted na ba talaga sila ng asawa niya sa set-up na magkalayo sila. Habang nasa Pilipinas kasi si Sheryl ay nasa San Francisco, California, naman si Norman kung saan nagtatrabaho ito bilang police officer.

"Well, siyempre, nangungulila pa rin naman kami sa isa't isa," sabi ni Sheryl. "Siguro akala kasi ng ibang tao, porke't artista ka, wala ka nang ginawa kundi ang mag-party nang mag-party. Pero ako, I only go out if it's really important.

"Kasi nga, ang disadvantage sa part ko, babae ako. May asawa ako at wala rito ang asawa ko. Tapos nun, galing naman ako sa pamilya na hindi naman basta-basta. Kaya bigyan n'yo naman ako ng kahihiyan. Bago pa ito lumabas, siyempre pinag-iisipan ko.

"Hindi ba nila alam na mahirap mabuhay na bawat araw na ginawa ng Diyos, you have to look after what you're doing to yourself? Kasi bilang na bilang lahat ‘yan. Hindi lang sa akin kundi ang daming madadamay. I have to protect my daughter, my husband, and most especially yung pangalan ng pamilya namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi malaki naman itong kahihiyan sa auntie ko [Susan Roces] na nagbigay ng tiwala sa akin at sa nanay ko [Rosemarie Sonora]. Pero hindi lang po nila alam na hindi po masarap mabuhay na lahat ng tao binibigyan ka ng pangaral, na para bang hindi na ako lumaki. Parang tingin nila sa akin, bata pa rin hanggang ngayon.

"But sometimes, it's really hard. Although they are expecting too much from you, pero hindi nila alam, ang mga artista, tao rin. May napi-feel din. Nagkakamali rin. Pero hindi naman ibig sabihin nun, hindi mabubuting tao. Siguro nga ang sa akin, ang kailangan lang is makipagkaibigan din and staying home, which I do a lot.

"Birthday ni Wendell ‘yon, I guess that's when I gave him a gift. But c'mon, it's his birthday! Kung yung ibang tao hindi sila marunong magbigay, ako nakasanayan ko na ‘yon. Kasalanan ko ba kung generous akong tao?" nakangiting pahayag ni Sheryl bilang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN