Jennylyn Mercado is Jacky Woo's leading lady in "Manila-West Side Story" as her career rides high


Jennylyn Mercado is once again busy with TV, movie, and recording. She is in the cast of two indie movies and one MMFF entry. Jennylyn will soon start taping for GMA-7 soaps La Vendetta and Joaquin Burdado, plus her next album will be released very soon.



Clueless ang young actress na si Jennylyn Mercado sa Chinese-Japanese actor na si Jacky Woo na magiging leading man niya sa kanyang second indie film, tentatively titled Manila-West Side Story. Tinanong pa nga ni Jennylyn ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng ilang details about the actor. Sinabi namin sa kanya na si Jacky ay lumabas na sa mga Tagalog films gaya ng Alab ng Lahi with Robin Padilla, Panaghoy sa Suba with Cesar Montano, and Ispiritista with Vic Sotto.



Sa story conference ng Manila-West Side Story, produced by Forward Group Inc., sa Dulcinea restaurant, Q.C. kahapon, October 9, nakausap ng PEP si Jennylyn at cute ang pagka-clueless nito sa identity ng kapareha. Nakatingin lang ito sa Chinese-Japanese actor habang nagsasalita in his broken Tagalog, pero excited na raw siyang makatrabaho ito.



Ten days tatapusin ni Jacky ang pelikula na siya rin ang direktor. Bigla niyang ipina-revise ang script nang malamang kumakanta rin si Jennylyn. Action-musical kasi ang pelikula at parang kulang kung hindi raw kakanta ang young actress-singer.



Busy na naman si Jennylyn sa dami ng trabaho sa movies at TV. Tapos na niya ang Nars, her first indie film, at tinatapos na rin niya ang Resiklo, entry ng Imus Productions sa 2007 Metro Manila Film Festival.



Balik-TV naman siya sa soap opera ng GMA-7 na La Vendetta, also starring Sunshine Dizon and Jean Garcia, na sa Friday (October 12) na ang simula ng taping. Balik-tambalan din ito nina Jennylyn at Mark Herras, na magkapareha rin sa Joaquin Burdado ni Robin Padilla. Naka-schedule naman ang story conference ng Joaquin Burdado sa October 18.

One month ding magge-guest si Jennylyn sa Bubble Gang. Hindi lang nasagot ni Jennylyn ang aming tanong kung kailan siya babalik sa SOP.



Ano ang feeling ni Jennylyn na busy uli siya sa TV?



"Kabado, sobra!" sagot ng young actress. "Sa first taping day nga namin ni Mark ng Magpakailanman, kinabahan ako, parang nakalimutan ko na ang umarte. Sa first scene namin ni Mark, nailang pa ako. Parang nahirapan akong bumalik, pero dahil si Mark ang kasama ko, mabilis akong naging comfortable. Dumaan ang time na inisip kong tapos na ang career ko dahil sa mga nangyari, thankful ako dahil hindi naman pala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nasa story conference ng Manila-West Side Story ang manager ni Jennylyn na si Becky Aguila. Sinubukan ng PEP na tanungin si Jennylyn sa nabalitang gap nila ng manager, pero ayaw nitong magsalita noong una.

Later on ay nagbigay na rin ng pahayag si Jennylyn kahit maiksi lang.



"Hindi kami nagkasamaan ng loob. Hindi ko rin sinabing booking agent ko na lang siya. Hindi ko talaga alam ang sinasabing gap namin," wika nito.



Tinanong din si Jennylyn kung ang presence ni Becky sa story conference ay para patunayan sa kanyang hindi siya pinababayaan nito. Ang one-liner na sagot ng singer-actress ay "ngayon lang."



Napag-usapan din namin ang kontrata niya sa GMA-7. Ang sabi ni Jennylyn, hanggang February next year na lang ang kontrata niya, kabaligtaran sa alam ng PEP na up to 2009 pa siya exclusive sa Kapuso network.



"May extension for two years ang contract ko at desisyon ng GMA kung gusto nilang i-extend ang contract ko. Sa akin, okay kung i-extend nila ang contract ko," sabi niya.



Kasunod nito, ibinalita ni Jennylyn na malapit nang matapos ang third album niya sa GMA Records, to be released either December or January next year. Wala pang title ang 12-track album na karamihan ng tracks ay covers, kasama na ang "How Do I Live" na original ni Trisha Yearwood at binigyan nila ng bagong areglo ni Janno Gibbs na ka-duet niya sa song. May remake din siya ng "Someone's Always Saying Goodbye" at isang kanta ni George Benson.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN