Becky Aguila on Jennylyn Mercado: "Hindi ko siya pinababayaan."


"Manager pa rin ako ni Jennylyn at hindi booking agent. Walang problema sa aming dalawa at natural reaction kungmagtampo siya. But I'm doing my job para hanapan siya ng trabahooutside of GMA," says talent manager Becky Aguila (right) about Jennylyn Mercado (left).



Sa story conference ng indie movie na Manila-West Side Story kahapon, October 9, sa Dulcinea restaurant sa Quezon City, ay nakausap din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Jennylyn Mercado na si Becky Aguila. Sinabi nitong talent pa rin niya ang singer-actress na bida sa naturang pelikula with Jacky Woo.



"Manager pa rin ako ni Jennylyn at hindi booking agent," diin ni Becky. "Walang problema sa aming dalawa at natural reaction kung magtampo siya. But I'm doing my job para hanapan siya ng trabaho outside of GMA. Ako ang nagbigay sa kanya ng Manila-West Side Story.



"Hindi ko siya pinababayaan. I'm very supportive of her. We're not going to touch money matters here... Naaawa ako sa kanya. Saan ba galing ang isyung may P1.5 million siyang utang sa akin?"

Matatandaang naglabas ng kanyang sama ng loob si Jennylyn sa taped interview niya sa The Buzz noong September 30. Ayon sa young actress ay naapektuhan ang kanyang career sa alitang namagitan kay Becky at sa GMA-7 bunsod ng paglipat ni Angel Locsin sa ABS-CBN.

"Sino ba naman ang di maiiyak, di ba? The feeling na na-abandoned ka and everything. Kasi na-freeze na nga ako at naapektuhan ako tungkol sa ginawa nila. Sino ba naman ang hindi sasama ang loob, di ba?" pahayag ni Jennylyn.

Pero pinabulaanan naman ni Becky na pinabayaan niya si Jennylyn. Sa interview naman nito sa Entertainment Live noong October 6, sinabi ni Becky na, "I did my part as a manager. And also as a second mother to her, I lifted her spirit and I told her, ‘Hindi kita pababayaan because nga may ganyang problema.' And hindi ko magawa yung function ko as a manager sa network...I mean for Jennylyn. So I got her several projects outside [GMA Network]."

Dagdag pa niya, "Jennylyn will always be my alaga. It will always be for her upliftment and kung anuman yung para sa best interest niya, kung kailangan munang mag-sacrifice, tanggap ko 'yan. Anything that would do her good. Jennylyn is really very special. Mahal na mahal ko si Jen."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, ibinalita ni Becky sa PEP na may concert si Jennylyn sa Zirkoh sa November 24. Guests ni Jennylyn sina Janno Gibbs, Jay-R Siaboc, Valerie Concepcion, at Nyoy Volante. Ayon pa kay Becky, raw totoong puro ABS-CBN stars ang inilagay niyang guests sa concert ni Jennylyn dahil sina Jay-R at Valerie lang daw ang taga-Dos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN