Ciara Sotto emcees event for UFC fighters in Las Vegas


Ciara Sotto (left) with Manny Pacquiao and his wife Jinky during the Pambansang Kamao's victory party in Club Asia after beating Mexican Marco Antonio Barrera in their rematch.



Masayang-masaya si Ciara Sotto habang ikinukuwento sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang recent job na ginawa niya sa Las Vegas. Ito ay ang pagiging co-emcee niya for an event na ginanap sa Pure sa loob ng Ceasar's Palace last week.



Ayon kay Ciara, ang pagiging emcee niya sa naturang event ang maituturing niya na first public appearance niya sa Las Vegas. Ang Pure ay isang kilalang night club sa Las Vegas na pinupuntahan ng mga Hollywood celebrities, like Lindsay Lohan, Cameron Diaz, and Paris Hilton.



The same night na nag-e-emcee raw siya for Pure, sa katabing club ay si Tori Spelling of Bevery Hills 90201 naman daw ang emcee ng event na The Pussycat Dolls Lounge.



Ayon kay Ciara, ang event kung saan nag-emcee siya ay organized by Platinum Fighting Productions, at ang mga guests that night ay ang mga UFC (Ultimate Fighting Championship) mixed martial arts fighters. Ang naturang event din ay para sa premiere ng "Ring of Fire," which will be held in Manila at tinatayang mas malaki kesa sa "Thrilla in Manila" dati.



Kasama raw ni Ciara na naging emcee ng event si Heath Herring na isang UFC fighter. Kuwento pa ni Ciara, mabait at guwapo si Heath. Ilan din sa mga kilalang guest that night ay si Royce Gracie na sikat sa UFC since puro mixed martial arts fighters nga raw ang naroroon sa naturang event.



Kuwento pa ni Ciara, supposedly ay invited lang talaga sila ng mga kasama niya sa show nilang Fever, kabilang na ang mga kapwa niya Pinay na sina Karlyn Bayot at Rizza Navales, plus three American girls, para mag-promote ng kanilang show. But prior to that, kinausap ng organizer ng event ang tumatayong manager nila para i-request na aside from performing ay maging emcee na rin siya.



Samantala, hindi pa rin daw sila pormal na nagpe-perform sa Sky, Melanja ang kanilang musical show na Fever. Sa ngayon daw ay puro promotion pa lang daw ang ginagawa nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In fact, maging sa victory party ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa Club Asia ay naimbitahan silang maki-celebrate. Pero hindi naman sila nag-perform sa blowout party ni Pacman pagkatapos nitong manalo kay Marco Antonio Barrera. Mismong si Manny naman daw ang nag-announce at nag-promote sa ilang kababayan nila, especially those living in Vegas, ng kanilang upcoming show.

Ayon kay Ciara, November ang target date na makakapagsimula na silang mag-perform ng Fever. Although sabi niya, nothing's definite pa rin dahil tila ang mismong bagong bubuksan na club ay hindi pa rin tapos ang finishing.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN