Marian Rivera and Bianca King get physical in their "Marimar" confrontation scene


After a very physical scene where they hurt each other, Marimar stars Marian Rivera (left) and Bianca King (right) immediately talked about the scene to avoid any misunderstanding.



Napabalitang napaiyak daw si Bianca King sa set ng Marimar pagkatapos ng isang pisikal na eksena between her character Natalia and Marian Rivera's Marimar/Bella. Nagkasampalan ang mga characters nila at sa request ng kanilang direktor na si Joyce Bernal, kung puwede raw ay gawin nilang makatotohanan ang eksena.

Tinotoo nga nina Marian at Bianca ang sampalan nila na ikinagulat ni Bianca after the scene.

"Wala ‘yon," sabi ng kausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na malapit sa isa kina Marian at Bianca nang hingan namin ng kuwento sa nangyari sa dalawang young actress sa taping ng Marimar.

"Confrontation scene ito nina Marian and Bianca. Si Direk Joyce, before the take, nag-request sa kanila na kung puwede gawin nilang makatotohanan para hindi ulit-ulitin ang take. E, si Marian, ang dami na niyang pinagdaanang ganitong eksena. Remember noon yung sa kanila ni Odette [Khan, sa afternoon soap Muli]? Sanay na siya. Si Bianca, first time niya pala ito kaya nagulat siya after the take. Naiyak," kuwento ng source ng PEP, na ang tinutukoy ay ang makatotohanang sampal at sabunot na natanggap ni Marian mula sa beteranang character actress.

Mabuti na lang daw at good friends sina Marian at Bianca kaya naintindihan nila na trabaho lang ang kanilang ginawa.

"After that, nag-dinner na silang dalawa para pag-usapan nga ito. Kasi good friends sila, so para hindi lumaki ang usapan, inayos na nila ito. Sabi nga ni Marian kay Bianca, ‘O, baka gawing intriga rin ito sa atin, so ready ka na lang," lahad pa ng source.

Sa kuwento ng Marimar ay magpapanggap si Natalia (Bianca) na siya ang nawawalang anak ni Don Gustavo (Jestoni Alarcon), pero ang totoo palang anak nito ay si Marimar (Marian).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN