Boy Abunda comments on Martin-Pops and Keanna-Jake controversies


TV host and talent manager Boy Bunda gives his opinion about the recent controversies involving ex-couple Martin Nievera and Pops Fenrandez (inset, top) and the alleged one-night stand of Keanna Reeves and Jake Cuenca (inset, bottom).



Sa gitna ng walang tigil na usapan tungkol sa dating mag-asawa na sina Martin Nievera at Pops Fernandez, nagsalita ang TV host at malapit na kaibigan ng dalawa na si Boy Abunda. Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Boy sa kanyang dressing room sa ABS-CBN pagkatapos ng Boy & Kris kahapon, October 10.

"Ayokong makialam," pauna niya. "Wala akong pakialam sa pagiging mag-asawa nina Pops at Martin. Pero kaibigan ako, saksi ako sa maraming bagay, sa kanilang pagiging mag-asawa mula't mula. I have been Martin's publicist since he started. I am Pops's publicist. As a matter of fact, I'm helping Pops for her concert ngayong December. So, kahit wala akong masyadong pakialam sa mga personal nilang buhay, e, inevitably, may pakialam talaga ako."



Ano ang masasabi niya sa nagaganap na alitan ngayon kina Martin at Pops?



"Wala, simple lang. Wala na akong ibang gustong sabihin kundi isa sa mga problema kung bakit hindi matapus-tapos ang away nila ay hindi klaro kung ano ba talaga ang relasyon nila ngayon.

"Kaya sinasabi ko sa The Buzz, stop pretending that you're friends because you're not friends anymore. Don't use your children as an excuse to be friends because you can be good parents without being friends, di ba?

"Hindi n'yo alam kung saan nag-uumpisa at nagtatapos ang mga tampuhan ninyo kasi nagkukunwari pa rin kayo that you are friends. But if you say, ‘Alam mo masama ang loob ko sa ‘yo?' Maglabasan kayo. But I'm not saying that you should be enemies. But neither should be you pretending to be friends when you're not. Yun lang.

"Yeah, dapat tanggapin nila ang katotohanan. White is white, black is black. Kapag sinabi halimbawa, ‘Masama ang loob ko dahil hindi naman tayo magkaibigan. Nagkahiwalay naman tayo. May pinagsamahan tayo. O, 'eto ang mga sama ng loob ko...' Hindi ka naghintay ng siyam na taon, sampung taon bago ka nagkasabihan ng ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Ngayon yung mga ‘I love you... You will always be the father and the mother of my children,' that's okay. That's very decent of you guys. But you know, iklaro ninyo. Ano ba ang mga sama ng loob ninyo? Ano ba ang mga mali ninyo?

"Ngayon, you all moved on, di ba? Nag-move on na kayo. Pipay [Pops's nickname] has a lovelife. Martin has a lovelife. Pero kung babalikan at babalikan n'yo 'yan lahat-lahat, walang mangyayari because what is your relationship, may I ask?

"'But, Boy, can't we be friends in spite of the fact that we already have moved on?' You can only be friends if you have settled your differences. May naghiwalay na ba naman nagtatawanan?" opinyon ni Boy.



So, in a way, parang sinasabi ba ni Boy na masyadong delayed ang mga pinaglalabas ni Pops about her marriage with Martin?



"Ay, you said it!" pagkaklaro niya. "Wala akong pakialam doon. Ang pinakikialaman ko lang ay ‘eto ang napanood ko. Ito ang pinanggalingan nito ay dahil hindi klaro ang inyong relasyon. Stop pretending to be good to each other because you're not."



KEANNA-JAKE. Kinuha rin ng PEP ang reaksiyon ni Boy sa pag-amin ng talent niyang si Keanna Reeves na naka-one-night stand nito ang young actor na si Jake Cuenca.



"Hindi namn ako galit. Pero hindi naman niya [Keanna] naikukuwento sa akin ‘yan. Ang ibig ko lang sabihin, yung mga bagay na ganyan, dapat hindi ikinukuwento. Wala naman akong reaksiyon. It was funny. Pero dapat hindi ikinukuwento ang mga bagay na ganyan," sabi ni Boy.



Hindi ba muna siya tinanong ni Keanna kung ano ang mas makabubuti sa kanya about the issue?



"Okay lang naman," sagot ng talent TV host-talent manager. "I don't think of Keanna to be the next saint who will be beatified in the Vatican. So, I don't think it's going to affect her image, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"At hindi naman kapag nakikipagkangkangan ang artista ko, hindi naman kinakailangan akong sabihan. Wala namang isyu kaya tawa lang naman siya nang tawa sa TV. I'm sure kaya lang siya nakapagsalita, e, na-provoke ito. Pero ang akin lang, yung mga bagay na ganito under any circumstances, hangga't maaari, hindi photogenic na pinag-uusapan.

"Pero ‘yan ba ay makakapaekto kay Keanna? Hindi," pahabol ni Boy.



Sa tingin niya ba ay makakaapekto ang isyung ito kay Jake?

"I don't think so," sagot ni Boy. "'Ako si Jake Cuenca. May nangyari sa amin ni Keanna. Magdadasal ako sa Diyos. Ah, patawarin n'yo po ako, magsisinungaling ako kasi hindi makakaganda sa relasyon ko.' Lahat naman tayo may karapatang magsinungaling kung ang intensiyon mo naman ay hindi masira ang isang relasyon. Hindi lahat ng totoo ay tama."

BOY & KRIS. Panghuli, nagbigay ng pahayag si Boy sa kalagayan ng morning show niya with Kris Aquino na Boy & Kris, na unti-unti nang nakakabawi sa ratings laban sa katapat nitong programa pagkatapos ng improvements na ginawa nila sa show.

"You know, it's so pretentious to say we're not affected by numbers, blah-blah. Of course, we're affected by numbers because we are told of the numbers. Because the numbers are important to so many people, not just us. It is important to our bosses. It's important to advertisers. It's important to people. It's a validation of how good your show is, I'm not even sure.

"Is it a validation of how good you are as a host? Is it a validation of how good a show is being produced? I don't know. Is it a combination of many factors, it can be.

"Pero dati nung kinausap ninyo ako, sinabi ko pantay lang. Ngayon, yung additional, improved show... Pareho na kaming [Boy & Kris and SiS] pumapasok ng 10:40 a.m. I've always called for that. At maaaring yung mga bagong portions ang gaganda, nagugustuhan ng mga tao, salamat. But when you win one day, one week, is it guarantee that we are going to win forever? Hindi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kailan naman namin puwedeng ipagmayabang ‘yan? Hindi ako nagmamayabang na nananalo kami. This just pushes us to work more. You have to keep on reinventing.

"I pay tribute to the staff, I pay tribute to Kris who wanted to do a lot of these things. Up to when? Hindi namin alam. We have to keep on reinventing," mahabang pahayag ni Boy.

Ano naman ang magiging reaksiyon niya kung sakaling gayahin ng katapat nilang show ang mga bagong portions sa Boy & Kris?

"Okay lang," sagot ni Boy. "Pagalingan lang naman sa negosyong ito kasi wala ka namang copyright, e. I mean, itong mga konsepto na ginagawa namin ngayon sa mga talk shows, nagawa naman na ‘to, e.

"I did this on Etcetera. I did this on Kontrobersyal, except that we were doing controversial pieces. I mean, original is...what is original in this business? Nasa pagkakagawa ‘yan, sa pagkaka-produce and I'm proud of the staff. You know, the staff of Boy & Kris is really working hard.

"Nakapapagod. Extra work but wala kaming karapatang magreklamo. We need this to do a show well. She [Kris] enjoys what she's doing and this is needed. But it's wrong to say na we are just basically... I mean, the improvements are basically driven by the fact that ratings are bad, hindi naman. It's not the sole reason.

"Ako, naniniwala talaga ako na malaki ang kinalaman ng sampu, labinlimang minuto na ang katapat namin cartoons. Hanggang ngayon, naniniwala ako doon. Naniniwala rin ako na malaking bagay ang mga bagong portions namin. Sabi ko nga, it's a combination of many things, di ba?" pagtatapos ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN