Rufa Mae Quinto overwhelmed by success of movie and game show


Sexy comedienne Rufa Mae Quinto is esctatic over the success of her movie Apat Dapat, Dapat Apat and her new game show with Paolo Bediones, Whammy! Push Your Luck.



Tuwang-tuwa ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto nang ibalita niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kumita ang kanyang pelikulang produced with Viva Films, ang Apat Dapat, Dapat Apat.



"Uy, i-congratulate n'yo naman ako! Kumita ang pelikula ko! I'm overwhelmed!" masayang bati sa amin ni Rufa Mae.



Ayon kay Rufa Mae, kumita nga raw ng mahigit sa nine million noong opening day ang pelikula niya. Hindi niya inasahang ganun kalakas ang kita ng comedy film kung saan kasama niya sina Eugene Domingo, Pokwang, at Candy Pangilinan.



"Nagdasal talaga ako para kumita kasi para mas may mabigyan pa tayong trabaho sa mga kasama natin sa showbiz. Nakaka-inspire talaga itong pangyayaring ito. Lahat ng pagod namin ay sulit," sabi ni Rufa Mae.



May ipo-produce din na isa pang comedy movie si Rufa Mae, pero next year na raw ito. This November kasi ay ipalalabas naman ang movie niya with Ai-Ai delas Alas na Pasukob under OctoArts Films.



"Pinaplano na namin ni Direk Wenn [Deramas] ang next film venture namin. Pero sa 2008 na para mas maayos at napaghandaan. May isang movie pa naman ako with Ai-Ai na nakakatawa rin talaga. Death-defying din ang performance ko!" tawa ng sexy comedienne.



Isa pang ikinatutuwa ni Rufa Mae ay patuloy na tumataas ang ratings ng bagong game show nilang dalawa ni Paolo Bediones na Whammy! Push Your Luck sa GMA-7.



Hindi rin inaasahan ni Rufa Mae na magiging consistent top-rater sila dahil katapat nila ang Kapamilya Deal or No Deal ni Kris Aquino sa ABS-CBN.



"Kinabahan kami ni Paolo kasi alam naming malakas ang Deal or No Deal. Pero we really prayed na maging okay ang ratings namin, na yung pinalitan naming Meteor Garden ay mapantayan namin ang ratings. Yun pala, more than what we expected ang ratings kaya go, go, go! Thank you Lord talaga!" bulalas ni Rufa Mae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN