What more daring future projects does Valerie Concepcion have in mind?


Although she admits that she is not yet ready to go more daring than she did in FHM, Valerie Concepcion says she is open to every possibility.



Dahil nagpaka-daring na dati si Valerie Concepcion as a cover girl ng men's magazine na FHM, hinihintay ng marami ang susunod na hakbang sa pagpapa-sexy ng young actress. Ano pa kaya ang kaya niyang gawin after FHM?

"I don't know! Hindi ko alam. Kasi, di ba, nag-pose na rin ako for Maxim? ‘Tapos wala pa naman akong natatanggap na role na talagang kailangan na sexy talaga ako sa mga eksena.

"Pero kung meron, parang hindi ko pa yata kaya. Pero I'm not closing my doors, kasi... Actually, I'm open to everything right now. Mag-inarte pa ba tayo, di ba? So I'm open to everything naman as of now," pahayag ni Valerie sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Pero huwag naman na as in ngayon agad ako magpapaka-super-daring," patuloy niya. "Siguro hinay-hinay muna. Parang hindi ko pa carry na agad-agad. Huwag naman pabigla-bigla, mas maganda siguro paunti-unti.

"Wala namang biglang dyarran!" natatawa niyang pahabol.

May isa pa palang ambisyon si Valerie bukod sa pag-aartista.

"Gusto ko ring maging direktor someday," lahad niya. "Parang nararamdaman ko sa sarili ko na kakayanin kong maging director someday, sa TV or sa movies... Kahit saan, basta direktor. Yung at least you would try something na iba, na related din sa craft ko. Something na related to my work, but not acting."

Dream din daw ni Valerie na someday ay maging isang producer, tulad ni Angel Locsin na "kapatid" ni Valerie sa management ni Becky Aguila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN