Talent manager shares views on Angel Locsin and Jennylyn Mercado


Talent manager Becky Aguila talks about two of her high-profile stars, Jennylyn Mercado (left) and Angel Locsin (right). While Becky says Angel is doing very well, once again she denies intrigue that she abandoned Jennylyn.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager na si Becky Aguila sa isang restaurant sa loob ng ABS-CBN compound last Thursday, October 11.

Kinumusta namin sa kontrobersiyal na manager ang kanyang alaga na equally controversial, si Angel Locsin.

"She's doing very, very good," sagot ni Becky.

Ngayong nasa bakuran na ng ABS-CBN si Angel, sino ba ang mas gusto ni Becky na maging kapareha ng alaga, si Piolo Pascual ba or si Sam Milby? Bago pa kasi lumipat si Angel sa ABS-CBN, very vocal sa pagsasabi noon sina Piolo at Sam na dream nilang makapareha si Angel.

"Magkasama sila ni Piolo sa soap, and they look good together," ani Becky. "Cute din sila together ni Sam. Kahit sino ang ipareha kay Angel, okay sa akin. Si Angel naman, she can stand on her own, kahit kanino siya i-partner.

"Kahit kanino, kahit kay Richard [Gutierrez], kay Piolo, kay Sam, kahit kanino. Mas gusto nga ni Angel na hindi siya nakatali sa isang leading man lang. Mas gusto niya at mas gusto ko rin na lahat ng possible leading men, mai-partner sa kanya which will be very good for her career," sabi niya.

ANGEL VS. KC. Agad inihilera si Angel sa mga prinsesa ng Kapamilya network nang lumipat ito sa Dos mula sa GMA 7; binigyan agad si Angel ng special treatment. Pero base sa obserbasyon ng marami, tila naudlot ang special attention na ibinigay ng Dos kay Angel dahil sa pagpasok ng isa pang prinsesa sa Dos—si KC Concepcion.

Hindi kaya nagkaroon ng insecurity sa katawan si Angel dahil sa pag-arangkada pa nang husto ng popularidad ng panganay na anak na babae ng Megastar na si Sharon Cuneta?

"You know, there is really no point of comparison between Angel and KC. Si Angel kasi, she started from nothing, she started from scratch, she started from being a nobody. Na dati, para siyang ano...kumbaga, alipin; na dahil sa sipag niya at tiyaga, naging prinsesa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si KC naman is already a princess, we all know that. Even Angel likes her so much. And si KC, she also likes Angel dahil nagsimula nga sa wala. And the point is, hindi dapat ma-threaten ang kahit na sino kay Angel, the same way na hindi nate-threaten si Angel kahit kanino... Angel Locsin na siya," diin ni Becky.

Pinabulaanan muli ng talent manager ang usap-usapan na lifetime ang contract sa kanya ni Angel. There is no such thing daw as a lifetime contract.

Pero ayaw i-divulge ni Becky ang mga detalye at terms ng kontrata sa kanya ni Angel. Basta sinabi nitong two years ang existing contract ni Angel. Hindi niya sinagot kung kailan ito nagsimula at kung kailan matatapos.

ISSUE WITH JENNYLYN. Kinumusta rin namin kay Becky ang isa pa niyang alaga na si Jennylyn Mercado.

"I'm happy that she has a new project with GMA," simpleng pahayag ni Becky, na ang tinutukoy ay ang bagong soap opera ng GMA-7 na La Vendetta.

Ayon sa talent manager, napag-usapan rin nila ni Jennylyn ang diumano'y tampo sa kanya ng young actress.

"Akala lang niya ‘yon. Akala lang niya na concentrated lang ako kay Angel," paglilinaw ni Becky. "Hindi naman masisisi si Jennylyn dahil naipit siya sa mga nangyari. Naiintindihan ko siya, basta ang importante sa akin ay may project ang bata.

"Normal lang para sa akin kapag nagkakatampuhan kami. Para ko na siyang anak, at normal lang sa mag-ina ang nagkakaroon ng tampuhan paminsan-minsan."

Ayon pa kay Becky, hanggang pagtulog niya ay ang career at welfare ni Jennylyn ang nasa utak niya. Never niya raw itong iniwanan at never niyang pababayaan, kahit kailan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN