Claudine Barretto admits hubby Raymart initially nixed breast reduction


Actress Claudine Barretto recently underwent breast reduction operation, a few months after giving birth to son Rodrigo Santino. Claudine admits that her husband, Raymart Santiago, was against it at first. "He was against it at first kasi nga kakapanganak ko lang, pero heagreed on it din. Hindi lang siya pumayag sa mga lipo procedures kasiayoko rin naman nang sabay-sabay," says Claudine.



Dumalo sa kanyang kauna-unahang party ang anak nina Claudine Barretto at Raymart Santiago na si Rodrigo Santino sa birthday party ng nag-iisang anak na babae nina Manny at Jinky Pacquiao na si Princess. Ginanap ito kahapon, October 12, sa grand ballroom ng Renaissance Hotel.

Isa rin kasi si Claudine sa tumulong mag-organize ng birthday party ni Princess dahil malapit niyang kaibigan si Jinky.

Samantala, masaya naman si Claudine bilang ina nina Sabina at Santino. Mas marami raw siyang oras na nauubos sa pag-aalaga dahil hands-on sila ni Raymart sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak.



"I'm doing fine as a mother and wife. I can never ask for anything more. Pero mahirap pa rin. Mahirap na masarap kasi nga may fulfillment ka na sa buhay, plus maraming tao ang nagmamahal sa mga anak namin kaya makakalimutan mo na ang mga hirap sa pagiging isang ina," nakangiting pahayag ni Claudine sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Hindi na rin namin pinalagpas ang pagkakataon para tanungin si Claudine sa ilang issues na kinasasangkutan niya. Una na ay ang tungkol sa breast reduction operation niya na hindi raw pabor si Raymart. Magpapa-lipo rin kasi si Claudine ng ilang parte ng katawan niya.



"Natuloy yung breast reduction kasi alam din naman ni Raymart na nahihirapan na ako. He was against it at first kasi nga kakapanganak ko lang, pero he agreed on it din. Hindi lang siya pumayag sa mga lipo procedures kasi ayoko rin naman nang sabay-sabay. Marami pa kasi kaming mga lakad and it would be hard for me kung sabay-sabay ang pagpapa-lipo ko. Dinadaan ko muna sa workout at pagda-diet," pahayag ng aktres.



Tungkol naman sa nababalitang may relasyon ang kapatid niyang si Marjorie Barretto kay Caloocan Mayor Recom Echieverri, natawa lang dito si Claudine.



"That's not true," mariing tanggi ni Claudine. "Para namang ang weird because may family si Mayor Echieverri and Ate Marj will not get herself involved sa isang family man. Magkaibigan lang talaga sila. Walang malisya sa kanila because they are working together as a team sa Caloocan City."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Marjorie ay nahalal na konsehal sa Caloocan City noong nakaraang eleksiyon.

Nagkakausap pa ba sila ng kanyang bayaw na si Dennis Padilla?

"We talked just recently and he's doing okay naman," sabi niya. "I know na malungkot that he and Ate Marj are going through. Kami naman hindi rin kami sumang-ayon sa paghihiwalay nila, pero wala kaming magagawa. It's their decision at nirerespeto namin ‘yon. Siguro it's time na they move on with their lives."



Nagkita na ba sila ng Ate Gretchen niya?

"Hindi pa naman, but we get in touch. Wala pa nga siyang regalo kay Santino, e!" tawa niya. "But I understand na baka busy lang si Ate Gretch. One day siguro gugulatin na lang niya kami. Okay naman na kami and we're trying to catch up on things."



Nakita na ba niya ang mga litrato ni Gretchen na kumakalat sa Internet kung saan may ibang lalake itong kasama?



"No, I haven't seen it pa," sagot ni Claudine. "Meron na naman ba? I can't comment kasi hindi ko pa siya nakikita. Whatever it is, sana huwag na lang maging malaking issue ulit."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN