Jessa Zaragoza and Dingdong Avanzado to hold series of concerts abroad


Singer-actress Jessa Zaragoza says proudly that her husband Dingdong Avanzado is already a licensed realtor. Sharing another update, she says he will undergo surgery to remove his gall bladder.



Sunday morning, October 14, dumating sa Pilipinas ang Phenomenal Diva na si Jessa Zaragoza together with daughter Jayda. Hindi nila kasama ang mister ni Jessa na si Dingdong Avanzado this time.

"May mga kailangan lang akong ayusin dito," text ni Jessa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) when asked why she and daughter are here.

Hanggang October 28 lang ang mag-ina at uuwi agad sila dahil maraming series of shows ang mag-asawa together and separately.

"Me and Dingdong will have a concert in Toronto, Canada, on November 17 titled Beauty and the Best. December 14, I will be the special guest of the Cascades sa New York. December 15 and 16, New York pa rin ako to do solo shows naman," pagbabalita ni Jessa.

Dagdag ni Jessa, tahimik lang daw ngayon ang kanyang pagbabalik, wala siyang intriga ngayon. The last time na umuwi silang dalawa, middle of this year, sumabog ang issue kina Dingdong at Rachel Alejandro nang inamin noon ni Rachel na si Dingdong ang nakauna sa kanya sa "40 Forbidden Questions" segment ng radio show ni Mo Twister.

Napag-usapan din noon ang unang pagkikita nina Jessa and Rufa Mae Quinto live sa SOP nang mag-guest ang mag-asawa. It was the first time na nagkita ang dating magkaibigan na hindi nagkaunawaan dahil kay Dingdong.

Hindi kasama si Dingdong this time dahil busy siya sa kanilang realty business.

"Nakapasa na si Dingdong sa America. Licensed na siya as a realtor. Big thing sa America ang makapasa as realtor. Mahirap ang exam sa California, 'kaloka! I'm so proud of him," lahad ni Jessa.

Sa States na rin magpapaopera si Dingdong ng kanyang gall bladder. Originally, sa Pilipinas sana magpapaopera si Dingdong, kahit may medical insurance sa U.S., dahil mas marami sanang mag-aalaga sa kanya rito. Sa States, tatlo lang silang namumuhay doon.

"Pero sa America na malamang siya magpaopera because wala nang time makauwi dito. After the concert namin sa Canada most probably. 'Tsaka mas may advanced procedure doon para sa case niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung excited man si Jessa ngayon, pinaguusapan na nila ngayon ni Dingdong na sundan si Jayda by next year.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN