Bruce Quebral on relationship with Wendy Valdez: "Hindi pa kami seryoso."


"Kahit na magkasama kami lagi, ang trabaho namin ang aming priority. Sangayon po, wala po muna kaming panahon sa seryosong pag-ibig," explains Bruce Quebral about his relationship with Wendy Valdez.



Kahit gaano kaanghang ang mga tanong sa model/actor na si Bruce Quebral ay lagi pa rin siyang nakangiti kung sumagot.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Bruce sa Movie Writers on the Loose, The Repeat ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last October 13 sa Zirkoh Timog, hindi siya tinatanan ng mga maiintrigang tanong.

Unang tanong sa kanya ay ano ang reaksiyon niya sa sinasabing mukha raw siyang macho dancer?

"Wala lang po. Ano po ang magagawa ko kung ‘yon ang tingin nila," nakangiting tugon ni Bruce. "Pero ang ganyang klase ng trabaho po ang hindi ko puwedeng gawin sa buhay ko. Pinalaki kaming marangal ng mga magulang ko at siguro po, hindi naman ako magugutom sakaling ayawan ko man ang ganyang trabaho."

"Pero kung mabibigyan po ako ng role ng macho dancer, why not? Trabaho po ‘yon and if I can show my worth as an actor through that kind of role, I will do it with conviction," pahabol pa niya.

RELATIONSHIP WITH WENDY. May paliwanag din si Bruce sa lumabas nilang pahayag ng rumored girlfriend niyang si Wendy Valdez, co-housemate niya sa Pinoy Big Brother, na wala silang relasyon nito. Ayon kay Bruce, totoong sinabi niya ito pero hindi raw ito nangangahulugang wala na siyang pagmamahal kay Wendy.

"I love her very much," diin niya. "Pangangatawan ko po yung sinabi ko noong nasa loob pa kami ng Bahay ni Kuya na kahit na lumabas kami, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Na talagang siya lang sa buhay ko at hindi ipagpapalit sa iba."

Kung matandaan nga kasi, nagsalita si Bruce kay Wendy nang ma-evict siya sa Pinoy Big Brother. "Huwag kang mag-alala, ikaw pa rin, kahit wala na ako sa Bahay, hindi kita kalilimutan. Kahit nasa labas na tayo, ipagpapatuloy natin ang ating pagmamahalan," sabi pa nga ni Bruce sa isang maramdaming tagpo during his eviction.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami pa rin po hanggang ngayon, pero hindi pa po kami kapwa seryoso. Pareho po kaming breadwinners sa aming mga pamilya kaya iba po ang focus namin. Kahit na magkasama kami lagi, ang trabaho namin ang aming priority. Sa ngayon po, wala po muna kaming panahon sa seryosong pag-ibig," paliwanag ni Bruce.

Puwedeng sabihing ironically, hindi pa sila seryoso pero lagi naman silang magkadikit. Kapansin-pansin pa rin ang sweetness nila at kung hindi lang nagsalita si Bruce sa PEP na hindi pa sila sa tunay na buhay, sasabihin mong handa na sila sa isang seryosong bagay.

"Ganyan lang po kami... Sweet sa isa't isa pero ang totoo po, wala pa po kaming seryosong relasyon, trabaho lang po muna," pahayag ni Bruce.

DRAMATIC CHANGES. Napag-alaman din ng PEP mula kay Bruce na maraming dramatic changes sa buhay niya simula nang mag-artista na siya. Ramdam daw niyang bumuti ang kalagayan ng kanyang pamilya.

Mas malinaw na raw ngayon na may pagkukunan sila ng kanyang pamilya ng ikabubuhay sa araw-araw. Natugunan na rin daw ni Bruce ang maraming pangangailangan lalo na ‘yung mga obligasyon nila noon.

"Nagpapasalamat po talaga ako at nabigyan ako ng ganitong pagkakataon," pangwakas na pahayag ni Bruce.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN