Rhian Ramos is the final choice to reprise Sharon Cuneta's role in "My Only Love"


"I'm very excited to be doing a remake of her [Sharon] movie, she'svery popular and a very good actress... May pressure, at sana we dojustice to the role. Ayokong bastusin ang movie ni Sharon," says Rhian Ramos about reprising the role of Megastar Sharon Cuneta in the television remake of My Only Love.



Kumakanta pala ang young actress na si Rhian Ramos at narinig siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday party ng entertainment writer na si Allan Diones kagabi, October 14, sa Circle Café music bar sa Tomas Morato, Quezon City. Kinanta ni Rhian ang "I Say A Little Prayer" from the movie My Best Friend's Wedding. Sumablay siya sa umpisa ng kanta, pero maayos naman niyang natapos ito at naki-sing-along pa nga ang ibang entertainment press.



Pagkatapos kumanta ay nakausap ng PEP si Rhian.

Nang tanungin kung ano ang bagong controversy sa kanya, sinabi ni Rhian na natsitsismis siyang buntis. Pero hindi na siya nag-elaborate kung sino raw ang nakabuntis sa kanya at kung saan ito unang nasulat. Sanay na sa kung anu-anong intriga ang young actress, kaya hindi namin siya kinakitaan ng pagkabahala.



Kinumpirma rin ng young actress na gagawin niya ang My Only Love, ang TV remake ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie na unang napabalitang pagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Si Mark pa rin ang leading man, pero si Rhian na nga ang bidang babae. Kasama rin sa cast sina Bianca King, Alfred Vargas, Sherilyn Reyes, at Rita Avila.



Tomorrow, Tuesday (October 16), sisimulan ni Direk Louie Ignacio ang taping ng My Only Love at sa October 18 ang susunod na taping schedule nila. Mid-November ang airing ng bagong handog sa Sine Novela ng GMA-7 at ipapalit ito sa Kung Mahawi Man Ang Ulap nina Dennis Trillo at Nadine Samonte.



Biniro namin si Rhian na kahit may girlfriend na si Mark—ang EB Babes member na si Lian Paz—tiyak na mali-link pa rin sila ng young actor.



"Na-link na kami dati, hindi pa man kami nagwu-work together, kaya hindi ako takot. Matagal ko na rin siyang kilala and this is the first time we will be working together at excited ako," sagot ni Rhian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Hit movie nina Sharon at Gabby ang My Only Love, ano ang feeling ni Rhian na sa kanya ibinigay ng GMA-7 ang naturang project?



"I'm very excited to be doing a remake of her [Sharon] movie, she's very popular and a very good actress. Ang daming magagaling na actress sa GMA and yet, sa akin ito ibinigay. May pressure, at sana we do justice to the role. Ayokong bastusin ang movie ni Sharon," sabi ng young actress.



Nagpapa-excite din kay Rhian ang role niya na aapi-apihin dahil first time niya raw itong gagawin. Hindi pa siya napapanood ng tao na inaapi at hindi sanay ang tao sa gano'ng role niya, pero gagawin daw ng young actress ang lahat para magampanan niya ito.



"Actually, dream roles ko ay tomboy at inaapi. Matutupad dito sa My Only Love na inaapi ako, tomboy role na lang ang hindi ko pa nagagawa. Sa Captain Barbell, gusto ko sana ang role ni Camille Prats na tomboyish, pero hindi sa akin ibinigay," lahad ni Rhian.



Inusisa rin ng PEP si Rhian tungkol sa nai-report na isa siya sa mga rason ng breakup nina Richard Gutierrez at Georgina Wilson dahil nililigawan diumano siya ng young actor.



"Bakit kung kailan tapos na ang Lupin saka kami nali-link?" balik-tanong niya. "It's not true that he's [Richard] courting me and that I caused their breakup. I'm not that important and we're just friends. Kababasa ko lang kanina, kina Jewel Mische at Maxene Magalona siya nali-link."



Nang ipaalaala ng PEP kay Rhian na sina Jewel at Maxene ang leading ladies ni Richard sa Kamandag at early promo ng action-fantasy series ang kanyang nabasa, medyo nag-isip si Rhian. Pero hindi pa rin nito binawi ang sinabing magkaibigan lang sila ni Richard.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN