Rainier Castillo willing to take drug test against rumor that he's hooked


"Handa akong magpa-drug test para matapos na rin ‘yang issue na ‘yan," declares Rainier Castillo to dispel rumors that he is hooked on drugs.



Kasabay ng pagpayat ng katawan ni Rainier Castillo ay ang paglabas ng balita na nalululong daw sa paggamit ng drugs ang young actor. Involved din dito ang best friend at kasabayan niya sa kauna-unahang StarStruck na si Mark Herras.



Nang makausap namin si Rainier sa fundraising concert ng Philippine Movie Press Club (PMPC), ang Movie Writers on the Loose, The Repeat sa Zirkoh Timog, Quezon City, last October 13, hiningan namin ng reaksyon si Rainier tungkol sa kumakalat na balita.



"Noong una kasi, ang sabi nila tumataba ako, so I decided na mag-diet ako. Ngayon naman na pumayat ako, sinasabi nilang nagda-drugs daw kami ni Mark. Alam mo, wala akong masasabi sa issue na ‘yan. Basta kami ni Mark, malinis kami diyan," depensa ni Rainier.

Tinanong namin si Rainier kung willing ba siyang mag-drug test sakaling hamunin siya na sumailalim dito. Agad namang pumayag si Rainier, lalo't wala naman daw siyang itinatago. "Oo, willing ako. Walang kaso sa akin, anytime kahit saan, handa akong magpa-drug test para matapos na rin ‘yang issue na ‘yan."

Speaking of Mark, hindi maiiwasang intrigahin na tila napag-iiwanan na at mukhang milya-milya na ang layo ng career nito kung ikukumpara kay Rainier. Ayon kay Rainier, noon pa man ay expected at tanggap na niya na mas aangat talaga sa kanya ang first Ultimate Male Survivor ng StarStruck.



"Walang problema sa akin ‘yon, ever since accepted ko na ‘yan," nakangiting sabi ni Rainier. "Pag sinabi mong Mark Herras, ibang level, mataas kesa sa amin. Sa umpisa pa lang na siya ang nanalo sa StarStruck, siyempre alam ko na iba yung pagpu-push talaga na gagawin sa kanya."

Unang inilunsad ng GMA-7 ang tambalang Rainier at Yasmien Kurdi bago pa man ang loveteam nina Yasmin at JC de Vera sa iba't ibang shows ng nasabing network. Aminado si Rainier na kahit papaano ay may panghihinayang siya sa pagkakabuwag ng tambalan nila ng young actress at nami-miss niya ang samahan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May panghihinayang, nami-miss ko yung samahan namin. Pero ako, professional kasi akong tao na kung ano ang ibinibigay sa aking trabaho, yun ang ginagawa ko.

"Medyo nabigla ako noong una, pero tinanggap ko na ganun talaga, e, may mga nangyayari na natatapos talaga ang isang bagay. Sa amin kasi ni Yasmien, trabaho lang talaga ang ginagawa namin," pahayag ng binata.

Nabalita before na muntik nang mauwi sa isang malalim at espesyal na relasyon ang samahan nina Rainier at Yasmien na naputol lang daw nang mahinto na rin ang tambalan nila. Ngayong balita na nagkakamabutihan na sina JC at Yasmien, wala bang nararamdamang sakit o selos si Rainer?



"Just like I've said, trabaho lang talaga yung ginagawa namin ni Yasmien. Walang kaso sa akin kung totoong sila na nga kasi kaibigan ko si JC, magkaibigan din kami ni Yasmien," sagot ni Rainier.

Usung-uso ang rigodon ng mga artista from GMA-7 to ABS-CBN, and vice-versa. Open kaya si Rainier na puwedeng isa siya sa magpahaba sa listahan ng mga lumilipat na artista?



"Ayokong magsalita ng tapos, yun lang," maikling tugon ni Rainier.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN