Robin Padilla all set to start "Joaquin Burdado" on GMA-7


Action superstar Robin Padilla just came back from his vaction in Australia with his family. Now, he is all set to begin working with his newest project with GMA-7, the action-drama series Joaquin Burdado.



Sa Thursday, October 18, ang story conference ng bagong action-drama series ni Robin Padilla sa GMA-7, ang Joaquin Burdado.

Kababalik lang ni Robin mula sa pagbabakasyon sa Australia, kung saan nila ipinagdiwang ang birthday ng kanyang misis na si Liezl Sycangco. Doon na rin nila pinalipas ang Ramadan.

"Kaya tamang-tama ang pagbalik ni Robin dahil very lean ang katawan niya ngayon pagkatapos ng 40 days of fasting niya," sabi ng manager ni Robin na si Betchay Vidanes sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Kaya ngayon, nagma-muscle toning na lang siya para fit na fit siya na kailangan sa new look niya as Joaquin Burdado. Nagpi-fit na rin siya ng mga damit na gagamitin niya sa taping."

Si Iza Calzado ang muling makakatambal ni Robin sa Joaquin Burdado, pagkatapos nilang magtambal sa indie film na Blackout ng Unitel Pictures. Makakasama rin nila sa bagong serye ng GMA-7 sina Eddie Garcia, Jennylyn Mercado, Mark Herras, Cristine Reyes, Ian Veneracion, Rommel Padilla, at introducing ang second daughter ni Robin na si Kylle.

Tinanong namin si Betchay kung bakit hindi kasali si Queenie, ang eldest daughter ni Robin na unang napabalita na gustong mag-artista. Matatandaan na parehong nag-training ng Muay Thai sina Queenie at Kylle sa Thailand, na itinuloy nila rito sa bansa. Nag-join pa nga sila at nanalo sa isang competition a few months ago.

"May training siya [Queenie] tungkol sa fashion sa Australia, doon muna siya," sabi ni Betchay. "Pero nag-attend na ng acting workshop si Queenie under Ms. Beverly Vergel sa ABS-CBN Talent Center. Mukhang nagbago muna siya ng isip at fashion muna ang gusto niyang pasukin."

Pagkatapos daw ng story conference ng Joaquin Burdado ay isusunod na agad ang taping nito mula sa direksiyon ni Mac Alejandre. Sina Robin at Direk Val Iglesias pa rin ang magiging fight instructors, tulad ng ginawa nila sa Asian Treasures.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nag-meet na sila ni Direk Mac at may mga pinag-usapan na silang gagawin. Happy si Robin sa mga gagawin nilang special effects kaya excited na rin siyang mag-taping. Next week, naka-schedule na sila ng three taping days," pagbabalita ni Betchay.

Kailan naman ang airing ng Joaquin Burdado?

"Hindi pa namin sure kung saan ito ipapalit, pero naka-schedule na ang taping ni Robin hanggang December 22. May Christmas vacation ang family at hindi ko pa lang alam kung saan sila pupunta. Definitely, hindi sila sa Australia magpapalipas ng Pasko dahil summer doon at masyadong mainit kapag December. Pero babalik siya ng January 14, 2008, at magti-taping na rin siya agad," pahayag ng manager ni Robin.

Nang tanungin naman namin si Betchay tungkol sa pelikulang gagawin ni Robin with Sharon Cuneta, hindi na raw niya alam kung ano ang nangyari pagkatapos mag-usap noon sina Sharon at Robin with Ms. Annette Gozon-Abrogar.

"Alam ko, busy rin si Sharon sa shooting niya sa Star Cinema kaya siguro wala rin kaming balita. Saka hindi muna ‘yon iniisip ni Robin. Naka-focus kasi siya ngayon sa Joaquin Burdado," sabi ng manager ni Robin.

Ang Joaquin Burdado ay mula sa komiks character na nilikha ni Carlo J. Caparas at unang ginampanan sa pelikula ni Bong Revilla noong 1988.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN